^

Para Malibang

Bayan at lawa sa gitna ng disyerto

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Sa gitna ng pinakatu­yong klima sa buong mundo, matatagpuan ang isang oasis town na napapaligiran ng mga puno ng niyog, naggagandahang halaman at napakalinis na lagoon na pinaniniwalaang nakakagaling daw ng mga sakit.

Ang napakagandang bayan na ito ay tinatawag na Huacachina, at hindi lamang ito puwedeng matagpuan sa bucketlists ng mga adventurer, kung hindi matatagpuan din ito sa gitna ng disyerto sa Peru.

Halos 96 lamang ang bilang ng mga nakatira sa nasabing bayan at sa pamamagitan ng mga bumibisita sa kanila, patuloy na lumalago ang kanilang mga negosyo kahit na maliit lang ang mga ito. Ang kanilang main source rito – buhangin.

Ang nag-iisang lawa na makikita rito ay naturally formed, pero ayon sa isang alamat, meron daw isang batang prinsesa noon na naliligo rito at nadiskubre ng isang hunter, sumama raw siya rito at na-in love. Naiwan niya ang kanyang kapa na siyang nagsilbing sand dunes na ngayon.

Matatagpuan ang paraiso ng Huacachina sa layong 4km mula sa southern city ng Ica, Peru. Dati itong Spanish colonial town na matatagpuan naman sa paanan ng disyerto.

Samantala, dahil sa mga landowners building na nangangailangan ng groundwater, na sinabayan pa ng tag-init, bumaba na ang water levels ng nasabing healing lagoon sa paglipas ng mga panahon. Para mapanatili, binobom­bahan na lamang daw ito ng mga tubig ng mga Huacachina inhabitants.

Idineklarang isa nang national cultural heritage site ang Huacachina, kaya naman umaasa silang hindi ito mabubura sa disyerto.

vuukle comment

HUACACHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with