^

Para Malibang

Palakasin ang immune system

Pang-masa

Ang mga virus ay mabilis na naiipasa sa pamamagitan ng pagkontak ng hand-to-hand at pagbebeso. Hindi maiiwasan na makasalamuha sa ibang tao na nababahing, inuubo, at sinisipon.  Pagkatapos ikaw ay naaatsing na rin.  Hanggang maaari ay panatilihing malinis ang  kamay sa pamamagitan ng regular na paghugas nito.  Ang problema ay hindi mo naman mahuhugasan ang kamay ng ibang tao.  Kung kaya expose na sa pagsagap ng mga virus mula sa paligid.

Upang mapanatili ang maayos na pag-function ng immune system ay kailangang malayo sa mga pathogenic bacteria at virus gaya ng mula sa cold at flu. Kailangan magkaroon nang sapat na immune-boosting nutrients upang mapalakas ang body’s internal defense network na gumana.

Ang vitamin A ay importanteng role para  sa immunity bilang natural na pampalakas ng mga cells sa ating katawan. Ang mga best sources ng vitamin A ay ang kamote, carrots, spinach, mabeberdeng gulay, kalabasa, melon, bell pepper, at broccoli. Samantalang ang vitamin C ang isang kailangan para panlaban sa mga sakit gaya ng sipon at ubo. Natural na pagkukunan ng vitamin C ay ang pomelo, orange, ubas, lemon, papaya, pinya, strawberries, cauliflower, at iba pa.

Kung armado ng mga sapat na vitamins A at C ay tiyak na may pangkontra ang katawan na labanan ang mga mapaminsalang sakit sa katawan.

vuukle comment

IMMUNE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with