^

Para Malibang

Sino ang bossing sa bahay si nanay o si tatay?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Siyempre si  mister ko ang bossing sa bahay namin. Pero bago siya magpatupad ng batas ay napag-usapan na naming dalawa kung anong desisyon ang dapat niyang gawin. Napagdiskusyunanan na naming mag-asawa para malinaw sa mga anak na si tatay ang leader ng tahanan.” – Bheng, Isabela

“Naku yung mister ko na hindi palaimik kaya ako ang mukhang bossing sa bahay. Hindi nagsasalita yung asawa ko kapag lasing lang. Kaya ako ang putak nang putak sa bahay. Minsan lang magalit mister ko na kinakatakutan din ng mga bata.” – Phelomela, Pasig

“Depende rin sa personality ng mag-asawa. Ang mga misis masalita lang naman dahil ayaw magsikilos ng mga tao sa bahay. Pero alam naming si mister pa rin ang bossing ng aming pamilya.”  - Zeny, Negros

“Hinahayaan ko namang maging bossing ang mister ko. Pero ang nakakainis minsan palpak magdesisyon ang mga lalaki ‘di ba? Hinahayaan ko na lang siya sa mga diskarte niya para ma-feel niyang siya nga ang dapat masunod sa pamilya namin. Pero ano naman ang gagawin ko kung ubod ng kupad kumilos. Kaya hindi rin mapigilan ng mga misis ang magreklamo ‘di ba?” – Neng, Isabela

“Ang turo sa Bible ang misis ay dapat nagpapa­sakop kay mister na imagine ang sabi ng Bible ay mag-obey ng “all things” sa lahat ng aspeto ng buhay. Hindi madali, pero nagtiwala ako na si mister dapat ang bossing ng bahay. Naging maayos naman ang pamilya namin. Kaya hayaan nating si mister ang maging bossing para may blessings dahil siya naman ang mananagot sa Panginoon para sa atin.” – Jessica, Bulacan

vuukle comment

TATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with