^

Para Malibang

Kababalaghan sa lugar ng Tagaytay

MRYOSO - Pang-masa

Ayon sa mga kuwen­tu-kuwento, kapag ang isang lugar daw ay mala­mig, malamang daw na pinamamahayan ito ng napakaraming kaluluwa o multo.

Katulad ng Baguio, ang Tagaytay rin ay may malamig na klima na siya ring dinadayo ng mga bakasyunista. Matataas na puno at mga bundok ang madalas ding mga makikita sa nasabing lugar. At katulad din ng Baguio, ang Tagaytay ay nababalot din ng kababalaghan.

Madalas sa mga bahay-bahay daw nagaganap ang mga nakakakilabot na karanasan, na hindi naman na nakagugulat dahil maraming bakanteng lote sa lugar.

Uso rin dito ang retreat houses kung saan pupuntahan ng mga estudyante para magnilay-nilay.

Sa isang kuwentong inilabas sa social media ng hindi nagpakilalang sender, nagpunta raw ang grupo ng mga estudyante sa isang retreat house sa Tagaytay. Sa kanilang huling araw diumano ay nakarinig sila ng boses na tila ba humahamig ng isang kanta. Noong una raw ay sinubukan nila itong ipagkibit-balikat pero palakas daw ito ng palakas. Doon lang daw nila napagtanto na ang himig ay nanggagaling sa ikalawang palapag – na walang tao.

Sinubukan ng leader na namumuno ng retreat na magpatugtog na lang pero hindi pa rin ito tumalab dahil palakas lang ng palakas at paulit-ulit ang himig.

Kinahapunan ay tapos na ang activities ng mga bata, pinuntahan nila ang nasabing palapag kung saan nanggaling ang ingay ngunit wala silang nakita.

 

vuukle comment

TAGAYTAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with