^

Para Malibang

Heat index

Pang-masa

Mula nang ideklarang opisyal na ang summer ay mas tumataas pa ang temperatura sa bansa. Mahalagang alamin ang tungkol sa heat index na nakakaapekto sa ating katawan. Ano ba ang puwedeng gawin upang maprotektahan ang sarili, pamilya, lalo na ang mga bata at mga senior citizens ngayong tag-init.

Ang heat index ay higit pa sa temperatura. Ayon sa PAG-ASA ang heat index ay ang aktual na hangin ng temperatura na may kasamang init sa  isang panahon.

Naitala minsan ang 34.6º C, pero habang tumatagal ang heat index ay tumataas gaya ng 43ºC na may kumbinasyon na 58º C ng maalansangan init.

Sa pagtaas ng heat index ay umaabot ito ng ilang degree na nagbibigay iritableng pakiramdam sa ating katawan.  Kapag ang heat index ay pumalo sa 27-32º C mag-ingat dahil magdudulot ito ng pagod na kapag tumagal ang exposure sa init ng araw ay nagreresulta ng heat cramps. Kung umabot sa 32-41º C ito ay kailangan ng dobleng ingat. Posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion. Kapag sunud-sunod ang activity ay maaaring atakihin pa ng heat stroke. Mapanganib kapag ang temperatura ay pumatak ng 41-54º C na puwede rin maaapektuhan ng heat cramps at heat exhaustion. Kailangang magpahinga sa ginagawa dahil baka mauwi sa heat stroke. Ang pinakamalala kapag ang heat index ay umabot sa 54º C na maaaring  makaranas rin ng heat stroke.

Pagsabihan ang mga anak na manatili sa bahay hanggang maaari. Laging uminom ng maraming tubig upang maginhawaan. Limitahan lamang ang nakakapagod na physical na activities. Kung lalabas ng bahay ay laging protektahan ang sarili sa matinding init ng araw.

vuukle comment

HEAT INDEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with