Sumbat ni Hipag sa FB
Dear Vanezza,
Yung hipag ko na panay ang post sa Facebook ng maganda nilang trabaho, kotse, at buhay na maalwa sa ibang bansa. Pero panay rin ang sumbat ng mga tulong niya sa pamilya namin. Talagang naka-post din ang pagtulong niya na may halong bitterness. Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ay alam naming kami ang pinariringgan niya. Madalas na natutukso akong mag-comment. Tama ba ako? – Leila
Dear Leila,
Importante na huwag umasa sa kamag-anak. Dahil hindi komo nasa abroad ay marangya na ang buhay nila. Nagsisikap din sila para sa sarili nilang pamilya. Huwag nang patulan ang comment ni hipag upang makaiwas na sa away.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest