^

Para Malibang

Zombie Family (63)

Gilda Olvidado - Pang-masa

MALUNGKOT si Herman nang umuwi. Dahil nadatnan niyang ganoon pa rin si Laurice. Tulala. Inilalayo ng sarili sa reyalidad.

“We have to take her to a doctor.”

“Baka nga po iyon ang kailangang gawin, Daddy. Alangan naman pong ganito na lang palagi si Mommy. Gusto nga rin namin pong maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan.”

Hindi makaimik si Herman. Ayaw din sana niyang malaman ng mga anak ang dahilan ng ipinagkakaganito ni Laurice.

Tiyak kasing kamumuhian siya. Pandidirihan.

Pero mas importante ang kapa­kanan ng kanyang legal wife.

Kaya dinala ni Herman sa isang psychologist si Laurice.

“I can’t ask her questions kaya hindi ko siya maintindihan. Kaya mas mabuting sa psyhiatrist mo siya dalhin. Mas may maibibigay siyang gamut sa pasyente.”

Sinunod naman ni Herman ang psychologist. Sa isang psychiatrist nga pinatingnan si Laurice. “Kaila­ngan muna natin siyang i-confine. For observation. And medications.”

Malungkot na tumango si Herman. “Gawin ninyo ang lahat, Doctor.”

SA kuwebang pinatatag ni Herman ang mga pinto, malakas ang tunog mula sa loob.

May gumigiba sa mga pinto. Tinutulak ng malakas na may gamit na napakatibay.

Sa loob, makikita si Marga, zombieng galit na galit.

Naghuhuramentado. Gutom na gutom. Wala kasing nagpapatighaw sa uhaw niya sa sex na tanging si Herman lang ang nakakagawa.

Ginagamit niya ang malaking bato ipinupokpok at ipinantutulak niya sa mga nakaharang sa kanya.

Gusto niyang lumabas. Kung walang sex siyang mapapala then papatay siya para makakain at mabubusog.

Malakas si Marga.

Parang mabibiyak na ang isang pintuan na bato.

Sumisigaw siya, umuungol. Sa halip na mapagod sa tuwing pumupokpok, lalo pa siyang nagiging mapuwersa.

Iisang tao ang nasa isip na gustong kainin.

Si Laurice. Ang buong mukha nito, gusto niyang kagatin. Ang buong katawan, gusto niyang ngatngatin. At mabilis na ubusin.

Hanggang sa bumigay na ang pinto.

At nakalabas na si Marga.

   Nagkataong mabilog ang buwan. Sa pag­lalakad ni Marga, may natapakan pa siyang mala­king ahas.

Parang walang anu­mang dinampot ito at kinagat kaagad ang ulo. Sumirit ang dugo. Nginasab niya ang buong ulo ng ahas hanggang sa madurog sa kanyang bibig.

-    ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with