^

Para Malibang

Zombie Family (61)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI basta iniwan ni Herman ang mga anak niya kay Marga. May mga human tests pang ibinigay si Doktor Patriarkh sa mga bata.

Pinaamoy ang dala­wa ng hilaw na karne.

Kailangang matiyak kung nagigising ba ang pagka-carnivorous ng mga ito kapag naka­amoy ng sariwang karne.

“Ayaw po namin niyan. Kailangan po ‘yung luto.”

“Oho nga po. Huwag po ninyo kaming bigyan ng ganyang makakain.”

Nagkatinginan ang doktor at si Herman.

“Ano ang gusto ninyong kainin?” Magiliw na tanong ng doktor.

“Fried chicken ho para sa aming dalawa!”

“Yes! Our favorite forever!”

Ipinalabas kaagad ni Doktor Patriarkh sa kanyang assistant ang itinatago lang pala munang fried chicken.

May kanin  din . May desserts na ice cream at cake.

Sabik na sabik kumain ang dalawang teenagers. Takaw na takaw.

“I guess they are as normal as they can be, Herman.”

“Maraming salamat sa iyo, Doktor Patriarchk.”

“Pero kailangan pa rin natin silang obserbahan. Mahirap na. Baka bumalik ang virus o ano mang kababalaghang iyon. And they have to be injected with good vitamins. Para talagang very healthy humans sila.”

“Sige, Dok. Hindi naman ako nagmamadali na ilagay agad sila sa mainstream dahil alam kong hindi puwedeng basta maging kampante.”

“Ano’ng balak mo kay Laurice? Bakit di mo dalhin at ipa-confine sa ospital?”

“Do you think that’s a good idea, Doc?”

“Hindi naman siya zombie. Siya ay tao. Ano ba ang ikinatatakot mo? Ang katakutan mo ay si Marga. Na basta iniwan mo lang.” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with