^

Para Malibang

Zombie Family (59)

Gilda Olvidado - Pang-masa

HINDI na nga magawang iwan ni Herman si Laurice. Pati dalawang anak.

“I’ll stay here. Habang ganito ang inyong Mommy, hindi ko maaatim lumayo kundi para na rin kayong walang ina.”

“Dad, saan ka ba talaga nanggaling?”

“Sabihin na nating ginawa ko ang pag-alis para walang maraming taong mamamatay.”

Totoo naman ito, sa loob-loob ni Herman.

“Paano na kung hindi ka na aalis? Kung nandidito ka lang, marami bang taong mamamatay?” Seryosong tanong ng anak na lalaki.

Hindi makasagot si Herman. Ayaw niyang omoo at maaring matakot pa ang mga anak.

Maari ring magtanong sa kanya kung paano niya ngayon maaatim na hayaan na lang na maraming mamamatay.

Pero matatalino ang dalawang teenagers. They ­know how to ask questions.

“Baka may kinalaman pa rin ito sa mga zombies, Daddy?”

“Saka na lang ako magpaliwanag, okay?”

“We are just curious, Daddy and we have the right to know. Afterall, safety din namin ang nakasalalay dito. Kasama pa rin kami sa publikong manganganib.”

Nag-isip sandali si Herman. Hindi niya madedma ang mga anak.

“Ganito na lang ang sasabihin ko. There’s a good news. Dalawa sa tatlong zombies na panganib sa Metro Manila ay controlled na. Hindi na sila halos zombies. Malapit na ang panahon na babalik sila bilang tao at hindi na mga nakakatakot.”

“But … the third one ho? Si … Marga?”

“Sadly, wala pang makakakontrol sa kanya ngayon except … but you don’t have to deal with that. Siya nga ang matinding panganib. But I’m not going to give her my time. Not anymore. Your mother needs me now. Hindi ko puwedeng pabayaan ang inyong ina.”

Masaya naman ang dalawang anak. Yumakap na lang sila sa ama. At tulung-tulong nilang ina­alagaan si Laurice na mukhang ayaw pa ring magkaroon ng consciousness pero bukas naman ang mga mata.

SABAY halos na na­gising ang dalawang anak ni Marga sa laboratory and confinement.

“Nauuhaw po ako … tubig po …”

“Ako po nagugutom. May fried chicken po ba?”

Naaliw si Doktor Patriarchk. “You will have everything you want, kids!”  - ITUTULOY

 

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with