^

Para Malibang

Zombie Family (58)

Gilda Olvidado - Pang-masa

UMIIYAK, naghihinanakit man,  nakalimutan ito ng anak na babae ni Herman.

“Daddy! Thank God umuwi ka na!”

“I’m back for good, anak. “ Naluluha na rin si Herman dahil sobrang miss niya ang anak.

Pero kanina nga, instinctively ay iniwasan niya ito. Ayaw niyang ang mga balat nila ay magkakaroon ng contact sa isa’t isa.

Kaya nga lang tala­gang hindi tumigil ang anak hanggang hindi siya mayakap. At umiyak ito sa dibdib niya.

Nakalimutan na tuloy ni Herman ang pandidiri sa sariling katawan. Dahil sa makamundong relasyon niya sa isang nabubulok na zombie.

Umiiral ang pagiging ama. Ang pagmamahal sa kanyang anak.

“Teka ho, gigisingin ko si Kuya. Palitan kasi kami ng duty, e para hindi masyadong maapektuhan ang aming pag-aaral.”

“Kung saka na lang kaya, nak? Medyo kabado kasi ako, e. Baka ‘di siya tulad mo na tanggap ang pagbabalik ko.”

“No, Dad. Kailangan ma-inform si Kuya. Kung totoo man na may sama kami ng loob sa iyo, hindi ibig sabihin no’n na hindi muna kami matutuwa sa pag-uwi mo. So please, wait. Bantayan mo muna si Mommy.”

Umalis na kaagad ang dalagita. Si Herman naman ay hindi na matiis, nayakap na niya ang asawa.

“Laurice … hindi na kita iiwan. Habang ganyan ka, kailangang matiyak ko na makaka-recover ka pa. Please, forgive me. At alang-alang sa mga anak natin, balikan mo ang consciousness mo.”

Pero parang walang naririnig si Laurice.

May nagsalita. “So you’re not crazy, sis. Indeed nandidito si Dad natin. He’s really back!”

Mangha rin ang anak na lalaki ni Herman, si Mark.

“Mark! Galit ka ba sa akin, anak?”

Yumakap muna ang binatilyo sa ama. Saka sisinghot-singhot na nagtanong. “Are you back to say your final goodbye, Dad?”

“Ano ba naman, Mark. My final goodbye is when I’m going to die. Pero hindi pa muna ‘yon ngayon. I realize … you still need me. Lalo na nagkakaganito ang inyong ina.”

“Do you have an idea bakit nagkakaganyan ang Mommy? May mga kaaway siya na mga kaaway mo rin?”

Natameme si Herman sa trato sa kanya ng anak.

“Wala akong ideya, anak. I’m so sorry. That’s all I can say.”

“Ano ang plan, Dad? Hindi natin siya maaring iwan o alisin sa bahay na ito na ganyan.”

“Nahihirapan na rin kaming magbantay, Dad. She needs the best of care. Pero wala kaming alam na gawin ni Kuya. Saka sino bang magtitiyagang ibang tao sa kanya? Mahal na mahal niya tayo, Daddy kaya palagay ko, tayo lang ang puwedeng magbantay sa kanya. Will you be a part of the team, Dad? Ang pangalan ng aming team ay Laban, Laurice!”

Awang-awa si Herman sa dalawang anak. Kaya hindi na napag-isipin ang isinagot. “Of course! So honored to be a part of this professional team!”   - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with