^

Para Malibang

Zombie Family (57)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANG umuwi si Laurice, parang tulala.

Takang-taka ang mga anak. Kasi ang dusing ng ina. At dumating ito  na parang hindi na sila kilala.

“Mommy, ano ba ang nangyayari sa inyo? Bakit kayo  nagkakaganyan?”

“Sis, naririnig pa kaya niya tayo?”

“Tingin ko, she is halfway there. Sa gitna ng consciousness and unconsciousness, sis. Naka-witness siguro siya ng very horrifying scenario. Ayon sa mga nabasa ko, denial in nature ang ganitong reaction, sa kanyang nakitang ayaw matanggap ng kanyang consciousness.”

“Bakit, ano kaya ang nakita ni Mommy? At paano ngayon ito? Kailangan natin siyang dalhin sa ospital?”

“Baka dapat, obserbahan muna natin siya.”

“Ang hirap magpasya. Wala kasi si Daddy. Nasaan na nga ba si Daddy, Kuya?” Naluluha ang anak na babae.

HINDI na ka­yang tiisin ni Herman ang ­unang pamilya. Kaya umuwi na siya.

Gabi siya dumating. Ginamit ang sariling susi sa bahay.

Aalamin muna niya sa tahimik na paraan ang nangyayari sa pamilya. Dumiretso siya sa master’s bedroom.

At nanlumo siya sa kanyang nakita.

“Laurice …” Bukas ang mga mata ni Laurice pero parang walang nakikita. Nakasandal lang sa headboard ng kanilang kama.

Ang kanyang anak na babae naman na halatang sinasamahan sa silid ang ina ay nakatulog nang nakaupo na nakasubsob ang ulo sa gilid ng kama.

Awang-awa si Herman sa kanyang mag-ina. Hiyang-hiya ang sarili. Siya ang may kagagawan nito.Minabuti na lang siguro ni Laurice na maging tulala kaysa alalahanin ang katotohanan.

At kahit ‘di niya matanggap na nagkakaganito si Laurice, may bahagi ng kanyang pagkatao na nagpapasalamat. Dahil hindi pa muna maaalala ni Laurice ang nakakadiring ginagawa niya kay Marga. For now, hindi muna niya kailangang harapin ang walang katulad na kahihiyan na maisusumbat ni Laurice.

Pabulong na humingi ng tawad si Marvin. “I’m so sorry. Laurice, kung alam mo lang, gusto ko nang mamatay. Bakit nga ba hindi  na lang ako namatay? Sana tinamaan na rin ako ng kidlat tulad nila. Bakit iniwan pa ako ng karma kung karma nga ang nangyayari kina Marga? Laurice, ayaw na ayaw ko sanang madamay pa kayo pero ‘di ko naman maintindihan kung bakit kailangan mo pang makita ‘yon?”

“Dad?”

Nagising na pala ang anak nilang babae, si Dolcy. “Oh, my God … is that really you, Dad?”

Napahagulhol ang anak at yayakap sana sa ama pero by instinct, lumayo si Herman. Hindi maatim na yakapin siya ng kahit anak niya. Ang dumi-dumi ng kanyang katawan na nakikipag-ugnayan sa zombie. Diring-diri pa rin siya sa sarili. Umuwi lang siya dahil alam niyang kailangang ayusin muna niya si Laurice.”  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with