^

Para Malibang

Zombie Family (53)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAKARATING na si Herman sa kuweba, may urgency na siya dahil papalaki na ang kabilugan ng buwan.

May kutob siyang gigising ngayon si Marga.

Kailangang nandodoon siya. Mabigyan ito ng pangangailangang seksuwal para makuntento na lang na pumirmi sa isang sulok na nakatitig sa kanya, para lang inaantok na dinuduyan sa sarap.

Nakapasok siya sa kuweba, naiurong ang mabigat na pinto. Pero dahil hindi naman sakto ang lapat nito, may awang na puwedeng mapasukan ng tao.

At wala pa ring alam si Herman na nakasunod pala sa kanya ang legal na asawang si Laurice.

Pagpasok ni Herman, nakatayo na si Marga, kumikiwal-kiwal ang dila, ibig sabihin gutom na gutom ito.

Dilat na dilat ang mga mata.

“Hey, Marga … nandidito na ako.” Ngumiti si Herman.

 Huli siya ng dating kung tutuusin. Dahil very active na ang pagka-zombie ni Marga.

Hindi na madaling pahupain.

Hindi ang tipong lalapitan lang niya ay makakalma na ito, halos titigil na ang pagkiwal-kiwal ng dila.

Ngayon kailangan niya ng more action.

Buong kaagresibuhang niyakap niya kaagad si Marga habang madalian nang nahubad ang kanyang kasuotan.

Nag-resist pa ito sa yakap niya. Pero unti-unti pa rin namang nagpapakontrol.

Hinalikan niya sa mga labing may nakausling kumikiwal-kiwal na dila.

Nasa loob na pala ng kuweba si Laurice.

 Kitang-kita ang eksenang hindi niya ma-imagine kailanman. Wala ito sa horror movies na napanood niya.

Isang nakakasuka, nakakadiring eksena.

Ang asawa niya at isang nabubulok na zombie! Kung ganito pala ang kailangan ni Herman, bakit noong buhay pa si Marga ay hindi ito ang pinili niya?

Bakit hindi pa siya iniwan at gawing legal na lang ang pagsasama nito at ni Marga?

 Kahit napakasakit, papayag naman siya dahil hindi naman niya puwedeng ipilit ang ayaw na ni Herman?

Bakit kailangang kung kailan patay na ang kerida, buhay na buhay pa rin pala ang relasyon nila at nagsi-sex?

 Hindi nakayanan ni Laurice ang tanawin, naduwal, nagsuka. Ang lakas ng kanyang reaksiyon. Kaya parehong biglang napatingin sa kanya sina Herman at Marga.

 Napasigaw si Herman nang makita ang pinakamamahal na asawa na duwal nang duwal, suka nang suka. “Laurice!”

Ang zombie, dilat na dilat ang mga mata, kumikiwal-kiwal nang ubod nang lakas ang mga labi.  H indi na sa sexgutom.

Kundi sa laman ng taong kinasusuklaman niya hanggang ngayon. Gusto niyang kainin si Laurice, ubusin.

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with