^

Para Malibang

Zombie Family (52)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAGHANAP si Laurice, baka sakaling makita si Marga. Pero wala na siyang makitang ibang pasyente roon, ang dalawang teenagers lamang.

“Nasaan kaya si Marga? Ang kanilang anak lang ang ipinagagamot ni Herman?”

May paparating.

Agad nagtago si Laurice.

Ang doktor, si Doctor Patriarchk, na ang kasama ay si Herman.

Dinig ni Laurice ang usapan ng dalawa.

“Wala ka pa bang balak umuwi sa pamilya mo, Herman? Siguradong nag-aalala na sila sa iyo, matagal na rin, a.”

“Gustong-gusto kong bumalik sa kanila, Doctor Patriarchk pero magiging complicated lang. Ibang klase ang relasyon namin ni Marga ngayon, para na ring masasabing hawak niya ako. Kapag iniwan ko kasi siya, hindi ko na mahuhulaan kung kailan siya magigising. At papatay. Hindi ko siya puwedeng pabayaaan knowing that I might endangering so many people if I do that.”

“Naaawa lang ako sa legal mong pamilya. Kaya ba nila itong hindi ka na nila nakikita?”

“Kahit papaano, nakakasiguro ako na balanse ang utak ng tunay na asawa ko at mga anak namin, Doctor. Si Laurice, kaya niyang i-manage ang mga anak namin para hindi magrebelde. At si Laurice, she is a very stable woman, she knows I’m just out here, na babalik din ako sa kanya when the time comes. Alam din niyang siya ang mahal ko.”

“I hope that is so. At hayaan mo, pagkatapos nitong dalawang anak mo, si Marga naman ang haharapin ko.”

“Ibang klase kasi ang kaso ni Marga, Doktor. Sana nga, may pag-asa pa.”

“There is always hope, Herman. Kailangang matulungan kita.”

“Thanks. Aalis na nga pala ako. Kabilugan ngayon ng buwan, baka magigising si Marga.”

“Okay. Ingat ka.”

Lumabas na si Herman.

Ang hindi niya alam, nakasunod pala sa kanya nang palihim si Laurice. Pagsakay ni Herman ng motorsiklo niya, nakasunod na ang kotse ni Laurice. Na siya rin ang nagmamaneho.

Nakasunod si Laurice hanggang sa malayong bahagi ng highway, bandang Batangas na ito. Nadaanan pa nila ang lugar na pinagkakitaan noong ng pangalawang pamilyang zombies.

-  ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with