^

Para Malibang

Paano nga ba malalaman kung fresh ang itlog?

BURP - Koko - Pang-masa

Makasisigurong fresh ang itlog na ating binibili sa supermarket dahil sa nakalagay na expiration date sa packaging nito. Pero paano naman ang mga sa palengke namimili katulad ng marami sa mga nanay?

Kadalasan kasi, ma­lala­man kung bulok na ang itlog ‘pag binuksan lamang ito.

Para malaman kung sariwa pa ang itlog, gawin ang ‘float test’.

Simple lamang ang kakailanganin sa float test, malalim na baso, at tubig.

Ihulog nang mabuti ang itlog sa basong puno ng tubig. Kapag ito ay lumubog nang todo at nakahiga, makasisigurong fresh ang inyong nabili itlog.

Kung ito naman ay lumubog ngunit umangat sa bandang gitna, hindi na ito ganun kasariwa pero maaari pa ring kainin. Pwede itong gamitin sa baking, paggawa ng meringue, o gawing hard-boiled egg na swak ipampalaman sa tinapay kasama ang mayonnaise.

Pero paano kaya kung lumutang ang inyong na­biling itlog? Wag na itong kainin!

Lumulutang ang itlog dahil habang tumatagal, nag-e-evaporate ang moisture sa shell nito.

vuukle comment

ITLOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with