Toxic na nobya ni kuya
Dear Vanezza,
Nagugulumihanan ako sa love life ng kuya ko dahil sa toxic niyang bagets na GF. Gusto ko sanang i-suggest na maghiwalay na lamang sila dahil hindi na healthy ang kanilang relasyon lalo na sa demanding niyang GF na makitid ang isip. Pero life nila yun ‘di ba at ayaw kong makialam. Gusto ko sa kanila manggaling ang realization sa bad vibes nilang relasyon. Tama ako ‘di ba? – Kikay
Dear Kikay,
Tama huwag panghimasukan ang kanilang relasyon. Hayaan sila mismo ang makadiskubre na hindi na sila happy at ‘di nakatutulong ang relasyon nila sa kanilang mga buhay. Dahil baka ikaw pa ang masisi sa huli.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest