^

Para Malibang

Zombie Family (35)

Gilda Olividado - Pang-masa

ANG ginawa ni Herman ay nagpunta sa national library. Hindi nakuntento sa research niya sa internet.

Inalam niya ang tungkol sa mga zombies.

Pero nanlumo lamang siya dahil walang makakapagpatotoo na may mga zombies.

Puro kathang-isip lamang, karamihan ay movies o kaya serye sa tv. Kaya kung naghahanap siya ng lunas para sa nangyari sa kanyang pangalawang pamilya, paano niya iyon matatagpuan kung wala namang basehan ng katotohanan ang mga zombies?”

Tumingin sa calendar si Herman. Kinakabahan na siya.

“Malapit na naman ang full moon. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong nabuong panlaban sa kanila. Ang hinahanap kong panlaban ay iyung hindi naman sila masaktan o kaya mamatay.”

Wala pang isang buwan halos limot na ng mga tao ang tungkol sa mga zombies na nandidito ngayon sa kanilang lipunan.

Pero ang napatay nina Marga, na tauhan noon ni Herman ay pagala-galang zombie na.

“AAAAAAHHHHHHHH!” Ang lakas ng sigaw ng mga bading nang nakasalubong ang zombie.

Na dahil Dodong ang pangalan niya noong nabubuhay pa siya, siya na rin ngayon si Dodong Zombie.

Pero suwerte lang talaga si Dodong Zombie, su­werte rin ang mga tao. Hindi pa nagkakasakitan.

Wala pang chance si Dodong Zomnbie na maka­panakit o makapatay dahil wise na ang mga tao.

Laging handa. May dalang baril, panaksak, pambambo. At very active na rin ang gobyerno sa pagpakalat ng mga pulis o sundalo just in case.

“Herman, dapat na kaya tayong magsaya? May pumatay na tiyak kina Marga kaya hindi na sila nakapanalakay?”

“Basta patuloy lang tayong magdasal, Laurice. At para sigurado, kapag gabi na, lalo na kapag bilog ang buwan, ligpit na agad ang mga bata. Bawal na bawal na talagang nasa labas pa ang mga menor de edad.

“Bakit particular ka sa bilog na buwan? Sino’ng nagsabi sa iyo ng mga impormasyon na ‘yan?” Na-curious tuloy nang husto si Laurice.

“Hinulaan ko lang dahil na rin siguro nga halos isang buwan na, tahimik pa rin tayo! Salamat sa Diyos!” Pero paglitaw ng bilog na buwan, kaila­ngang nasa tabi na siya ni Marga at mga anak.

- ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with