^

Para Malibang

Zombie Family (34)

Gilda Olividado - Pang-masa

SA NGAYON , si Herman lang ang nakakaalam na safe pa ang mga tao sa zombie family.

Dahil tulog pa sina Marga.

Walang masabihan si Herman sa kanyang mga nalalaman dahil na rin iniintindi niya ang kaligtasan ng kanyang pangalawang pamilya.

Alam kong mga patay na sila pero buhay din. Kahit mga zombies na sila, hindi ko makayanang tuluyan silang mawala.

Ang importante lang naman ay wala nang mamamatay. At sa pag-analisa ko, kaya nilang mabuhay na hindi pumapatay ng tao.

Si Marga, pakikipagtalik sa akin ang bumubusog sa kanya kaya tulog siya hanggang sa susunod na full moon.

Ang mga anak ko naman, nawawala na ang gutom nila sa pagkain ng mga malalaking daga sa kuweba. Sa utos ng kanilang ina, kinakain nila ito.

Kaya I can manage it. Kailangan nga lang munang maglilihim ako kay Laurice dahil I’m sure hindi niya ako matatanggap kapag nalaman niyang nakikipagtalik ako kay Marga.

Ako man, sa susunod na gagawin namin ‘yon ni Marga, parang ikamamatay ko sa pandidiri. Sa sobrang baho na niya! But if this is the only way to save everybody, kailangang magawa ko!

ALERTO ang pulisya sa mga sumunod pang araw. Ang mga diyaryo ay hindi pa rin nawawalan ng mga tail-end news tungkol sa pamilyang zombies. Ang mga haka-haka, pinapatulan ng mga newspapers dahil talagang sinusundan ng mga readers.

Sa TV, kahit walang nangyayaring patayan sa ngayon, hindi puwedeng matatapos ang news program na walang follow-up news tungkol kina Marga. Totoo man o hindi.

Sa social media, isa nang kuwento ang zombie family. Alam nang pangalawang pamilya sila na ang apartment ay tinamaan ng kidlat at patay si Marga at dalawang bata.

“Pangalawang pamil­ya kasi kaya siguro pina­parusahan ng kapalaran!” Reaction ng publiko.

“Pero paano naman ang mga nabiktima nila? Pinatay, kinain … parusa rin ‘yon na grabe. Hindi ito gagawin ng Diyos.”

“Oo. Tama. Gawa ito ng demonyo. Ginawang zombies ang pangala­wang pamilya para maghasik ng lagim sa atin!”

- ITUTULOY

 

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with