^

Para Malibang

Zombie Family (27)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI na nakayanan ni Herman ang pagroromansa sa kanya ng zombieng si Marga, nagdilim ang kanyang paningin, hinimatay siya.

NAIIYAK sa takot si Laurice nang ibalita sa kanya ang nangyari.

“Nasaan na ang asawa ko?”

“Ma’m, nandodoon na po sa site ang  mga pulis. Sinamahan ko po sila roon. Pero ang nakita lang namin ay ang halos wala nang natitira sa bangkay ng isa kong kasama. Ang zombie po at si Sir, wala na po talaga roon.”

“My God! Tinangay siya ni Marga?”

SINUYOD ng mga pulis ang buong paligid.

Ang libingan ng tatlo ay wala nang laman.

Under interrogation ang natitirang tauhan ni Herman. “Ang dalawang batang zombie ay pinaalis ho ng kanilang inang zombie. Ngayon ay ‘di ko lang alam kung bakit wala sila riyan sa mga libingan nila. Baka sama-sama pa rin sila. At kasama na rin siguro nila si Sir Herman.”

“Wala namang palatandaan dito na pinatay si Herman, may bakas lang ng dugo rito sa una nilang biktima.”

“Oho nga po.”

Dumating si Laurice sa site. Walang tigil sa pag-iyak.

“Sorry, Ma’m. Wala pa ring sign ng inyong asawa. Pero palagay namin, buhay pa siya.”

“Hindi ho puwedeng hulaan na lang na buhay pa siya. Kailangan makita ang asawa ko.”

“Gagawin po namin ang lahat na paraan, Ma’m.”

NAGISING si Herman. Madilim na madilim. Malamig. Marami siyang naririnig na mga kaluskos.

Pero wala siyang ideya kung nasaan siya.

“Marga?”

May dumaan sa ibabaw ng kanyang katawan. Isa, dalawa, tatlo.

“M-malalaking daga? My God ... n-nasa cave ba ako?”

“ Marga! Bakit mo ako dinadala rito? Margaaa!”

Nasa loob nga siya ng kuweba at gabi pa. Kaya napakadilim ang tingin niya.

Kumilos si Herman, kinakapa niya ang dadaanan. Hahanapin niya ang lagusan para makaalis.

Pero nagpaikot-ikot lamang siya, hindi niya matunton ang daan palabas. Marami siyang nakapa. Mga maliliit na kung anong hayop.

May ahas. Napaigtad si Herman, napasigaw. “AAAAAHHHHHH!”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with