^

Para Malibang

Zombie Family (26)

Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS takbo ang ginagawa na ni Herman para lang makasunod sa paghila sa kanya ng zombieng si Marga.

“Saan ba tayo pupunta Marga?”

Umungol lang ang zombie. Patuloy lang sa paghila ng braso ni Herman.

Dinala ni Marga si Herman sa loob ng gubat.

“Ano ba, Marga? Bakit tayo nandidito?”

Umungol uli si Marga pero mahina, halos halinghing.

Kinikilabutan si Herman. Noong hindi pa zombie si Marga at nagsasama sila, ganito ang halinghing ng babae kapag kailangan siya nito. Sa kama.

“M-Marga ... nagpunta ba tayo rito sa gubat para ...”

Isinalya siya ni Marga sa isang malaking puno. Nasaktan sa noo si Herman.

Dumugo iyon. Napangisi ang zombie.

At lumapit, inilapit ang mukha sa noo ni Herman pero dahil matangkad si Herman, hindi siya maabot.

Pabiglang hinila si Herman ng zombieng kalaguyo.

Napaupo halos si Herman. Muling inilapit ni Marga ang mukha sa mukha ni Herman. Ang bibig nito ibinuka, itinapat sa dugo sa noo ni Herman.

Lalong tumindi ang amoy, hindi lang sa mga sunog na bahagi ng katawan ni Marga kundi lalo na sa nanggagaling sa loob ng bibig nito.

Masuka-suka si Herman. Minahal din naman niya si Marga noon pero hindi niya talaga kaya ang amoy nito.

Nabubulok, higit pa sa hindi natutuyuang imburnal ang kabahuan. Nakakasulasok.

“P-patawarin mo ako, Marga. Pero hindi talaga kita kayang mahawakan man lang.”

Nanlilisik bigla ang mga mata ng zombie. Pinunit ang kanyang damit na nagagapok na.

Nalantad ang katawan na nangingitim, sunog.

Itinayo si Herman, niyakap nang sobrang higpit, nakakasakal.

“Patayin mo na lang ako, Marga! Tapos tumigil na kayo! Ako lang naman ang may kasalanan sa inyo, e!”

“UUUUNGGGGHHHH...”

Ipinasok ni Marga ang kumikiwal-kiwal na dila sa teynga ni Herman. Parang gusto na ni Herman na mamatay na nga lang sa pangingilabot. Si Marga ay isa nang zombieng kumakain ng tao pero matakaw pa rin sa sex. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with