^

Para Malibang

Zombie Family (21)

Gilda Olividado - Pang-masa

PATULOY na pinuproblema nina Laurice at Herman sina Marga.

“At gusto ko ring mailibing sila nang maayos, Honey. Mabasbasan ang kanilang mga katawan sa simbahan para matahimik na sila nang tuluyan.”

“Ganoon naman talaga ang dapat. So ano ang plano mo, Herman?”

“Makikiusap sa mga pulis na magmamanman uli sa lugar kung saan nakita sila ni Ramil.”

NAGPUNTA nga uli sa presinto si Herman.

“Sige ho, ngayong gabi pupunta uli tayo roon.”
Pero dahil nga  walang full moon, tahimik ang lugar. Walang palatandaan na may mga zombies.

Kung nilawakan pa sana ang pinaghahanapang lugar baka marating na ng mga naghahanap ang tatlong libingan na unti-unti nang natatakpan ng mga damo.

KINABUKASAN, isang pulis na lang ang pinasama kina Herman. At hindi na masyadong nagtagal sa paghihintay kung may mangyayari.

“Wala talaga. Tigilan na ho natin ito. Baka kasi kung totoo man, tapos na rin ang kanilang kasamaan. Malay natin, baka nanahimik na ang mga bangkay na nabuhay, kung totoo man.”

“Pero paano kung lilitaw at papatay?”

“Pasensya na ho. Sa daming krimen na nangyayari at kailangang ma-solve namin, hindi puwedeng sa iisang kaso lang ay tututok kami nang matagal.”

Napailing na lang sina Laurice at Herman. Wala silang magawa kung ang mga pulis ay ayaw na silang pansinin.

SAMANTALANG sa ilalim ng mga hukay na may mga mahahaba nang damo, balisa na ang tatlong zombies.

Matindi na ang gutom nila pero hindi sila makalabas dahil wala silang lakas, kahit man lang ang itulak ang mga lupang nakatabon sa kanila.

Hindi sila makaba­ngon at lalong hindi makakalakad. Dahil wala ang enerhiya mula sa bilog na buwan na source ng kanilang lakas.

ALANG-ALANG sa kanyang dalawang pamil­ya, gumawa pa rin ng paraan si Herman.

Magsusuweldo siya ng dalawang lalaki na patuloy na papatrolya sa lugar na iyon.

Tatlo sila kasama siya. Pinayagan niya ang dalawang lalaking ito na magdala ng mga armas.

Ang isa ay may lisens­yadong baril. Ang isa pa ay tatlong malala­king patalim ang baon.

“Pero tandaan ninyo, kung hindi naman sila mananakit, huwag ninyong saktan.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with