^

Para Malibang

Zombie Family (20)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANAYO ang mga balahibo sa batok ni Ramil. Mga kaluskos, at ramdam niyang may nakatayo sa kanyang likuran.

Hindi naman siya makalingon, pati ito dahil na rin sa takot.

Pero tumakbo pa rin ang utak niya. Hinigpitan niya ang paghawak ng kanyang celfone para may buwelo.

Saka pinalakas ang loob para makaikot na paharap sa nasa likod.

Bigla siyang ikot at bigla ring bato ng celfone sa nasa harapan.

Tinamaan ang nakatayo roon. Si Zeta.

“Araaaay! Ano ba naman, Ramil?”

“Zeta! Ano’ng ginagawa mo riyan? Akala ko zombie ka na, e!”

“Eh ‘di sinundan ka para sakaling atakehin ka ng zombie ay may tutulong sa iyo.”

“Di ba sabi ko ayokong pumunta ka rin dito kasi baka mapahamak ka pa?”

“Eh, wala namang zombies, e. Baka naman kasi … imagination lang ang mga ‘yon? Kaya tigilan mo na. Huwag ka nang mag-ala-superhero.”

“Pero nakita ko sila, Zeta! Totoo sila! Ewan ko nga lang ba bakit wala tayong nakikita rito! Pati mga pulis walang nakita!”

“O, huwag kang mainis. Sa walang nakita, e. Umalis na tayo rito, maraming lamok!”

“Pero gusto ko pang maghanap.”

“De hindi rin ako aalis. Nagka-dengue na ako. Sabi kapag naulit ang de­ngue, mas deadly.”

“Halika na nga! Ang galing mong mam-blackmail, e!”

“Ayan!”

HINDI makatulog sina Laurice at Herman. Sinigurado ni Herman na naka-lock nang mabuti ang lahat nang bintana at pinto.

Napansin iyon ni Laurice. “Natatakot ka rin, ano? Ang mga zombies … sina Marga … sino pa ba ang mas pupuntiryahin niya … di ba, tayo? O ako lang at ang mga anak natin.”

“Kung totoo nga na mga zombies na sila, hindi naman ako papayag na may gagawin silang masama sa inyo. Hindi kayo dapat madamay sa galit ni Marga dahil wala kayong kasalanan. Pinagbigyan mo pa nga siya, ang mga anak namin, ginusto mo na panagutan din sila.”

“Pero nalason sa selos ang puso at isip ni Marga. Ngayong pumapatay na sila, hindi tayo puwedeng manahimik at maniwalang everything is okay. Kaila­ngan din talagang mahanap sila at mapigil sa mga gawaing pagpatay bago sila makarating sa atin.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with