^

Para Malibang

Zombie Family (19)

Gilda Olividado - Pang-masa

ANG BATANG si Ramil ay talagang matapang.

Naisip niyang kaila­ngan talagang mahanap ang mga zombies na iyon.

“Siguro malapit na sa area ng hinahanapan ang mga zombies. Hindi kaya nakalibing sila kaya hindi nakita?”

Ang kausap niya ay ang mataba ring kaklase na si Zeta. “Hay naku, Ramil ... hayaan mo na lang mga pulis, huwag ka nang sumali. Muntik ka na ngang mapatay, o.”

“Pero kailangang makatulong ako sa mga tao. Maraming mapapatay kapag ‘di sila nakita. Pag aasa lang sa mga pulis, malabo. Kasi kahit ginagawa nila ang trabaho nila, ang dami namang problema na sabay-sabay nilang dapat ayusin. Kaya nga wala sila masyadong time sa paghahanap ng mga zombies na ‘yon.”

“Pero natatakot ako para sa ‘yo, Ramil.”

“Okay lang ako. Siyempre, gagamitin ko ang utak ko kapag nasa harapan ko na sila. Itong salamin ko, hindi na tatalsik kasi nakatali na siya, o. Malalaglag man mula sa mga mata ko, hindi mahuhulog sa lupa gaya noon. Kasi nga, may tali.”

“Mabuti pa samahan kita.”

“Ano? Ayoko. Baka may mangyari pa sa iyo, e.”

“Ano ka ba? Sa akin natatakot kang may mangyari. Pero sa iyo, wala kang pakialam.”

“Kasi, mahal kita bilang kaibigan ko. Puprotektahan kita. Ayokong isali ka sa delikado. Kaya huwag na, okay?”

PERO ang hindi alam ni Ramil, nang gumabi, nakabantay na si Zeta sa bahay nila. Inaabangan ang paglabas ni Ramil.

Hindi naman nagtagal nakita na niya si Ramil na halatang tumatakas lang sa mga magulang.

Sumunod si Zeta sa kaibigan.

Madilim na pero may celfone si Zeta na malakas ang flashlight. At maraming battery. Marami ring load.

Kapag manganganib sila, tatawag siya kaagad sa mga magulang para matulungan sila.

Wala pa namang buwan, hindi lilitaw sa gabing ito at sa mga susunod pa sina Marga. Matagal pa bago kabilugan.

Kaya naman ligtas pa ang mga batang ito.

Ginabi na nang husto sa paghahanap si Ramil ng mga palatandaan man lang na may mga zombies nga sa lugar na ito.

Hanggang sa may mga kaluskos siyang narinig sa kanyang likuran. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with