^

Para Malibang

Zombie Family (18)

Gilda Olividado - Pang-masa

KAHIT umaalingasaw ang gula-gulanit na bangkay patuloy pa ring naghanap ang mga pulis sa area na iyon.

Pati sina Herman ay hindi umalis.

May sinabi ang pulis sa kanila. “May nawalang tao na ang lugar na ito ang sinasabing route niya ng gabing nawala siya. Sa DNA testing malalaman kung ito ba ang labi ng taong iyon.”

“Ano pa kaya ang puwedeng malaman tungkol sa bangkay na ito.”

“May makabago na ring proseso ang laboratory ng ating gobyerno. Kaya siguradong marami pa tayong malalaman.”

NAGHIWA-HIWALAY na sina Herman at mga magulang ni Ramil.

“Salamat, Ramil. Ma­laking tulong ang katapa­ngan mo.” Halatang bilib si Herman sa teenager.

“Hindi naman po ako matapang. Natakot din po ako. Nilabanan ko lang ang takot.”

“Hayaan mo, gagayahin ka namin.” Sabi ni Laurice na nakangiti.

Pero nang sila na lang ni Herman, pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang tatlong anak na puro babae.

“Dapat na rin natin silang paghandain kung sakali. May panganib. At alam natin na pati sila ay idadamay nina Marga. Kung zombies nga ang mga ito. Na nabubuhay muli.”

“Kausapin natin ang mga anak. Though ang sakit talaga na ang mga anak natin ay kailangang matakot at manganib sa mga anak ko rin.”

“Ang isipin mo na lang, Herman … baka umalis na ang mga kaluluwa nila. Maaring napunta na sa ibang lugar. Ang mga katawan nila ngayon ay posibleng ginagamit na lang ng mga markang demonyo. Kaya pumapatay, mga halimaw na walang puso. Hindi na sila tao.”

“Pero sina Marga pa rin ang mga ‘yon, mga anak ko ang dalawang bata … hindi ko yata maalis sa isip ‘yon, Laurice.”

Naluha na naman ang ama.

Naiintindihan naman ni Laurice ang asawa. Pero mas nangingibabaw sa kanya ang takot. Kailan muling susulpot ang mga zombies. At paano siya nakakasiguro na hindi na sila naiisip ni Marga, na hindi galit na galit ang mga ito sa kanila? Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with