^

Para Malibang

Zombie Family (14)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKAKAAWA ang teenager. Palapit na ang tatlong zombie, mabilis ang lakad na tuwid.

Kinakapa pa rin ng teenager ang kanyang salamin na napalayo sa kanya nang malaglag.

Nang may maisip.

Ano nga ba ang gagawin sa gitna ng panganib? Lumaki siya sa mga magulang na palasimba.

Sa catholic school na ang laging tinuturo ay magdasal kapag may problema.

“I have to pray! I have to pray so that I can find my glasses! God, God! Tulungan n’yo naman po ako! Alam ko po na mga bad or maybe even evil  pag namatay po ako! I have dreams pa po na makatapos at maging doctor!”

At parang milagrong nakapa na lang niya ang salamin niya sa mata.

Agad isinuot. At nagkaroon pa ng tapang para matingnan ang mga aatake sa kanya.

Sa sinag ng bilog na buwan nakikita niya ang mag-iinang zombie. Mga sunog, dilat ang mga mata. At tuwid na mabilis kung lumakad.

“Zombies na mga sunog? Mother and 2 children? Sila ang mga nawawalang bangkay hanggang ngayon!”

Mabilis na nakatayo ang teenager, nagawa pang bitbitin ang kanyang backpack.

At kumaripas ng takbo.

Hindi nakahabol sina Marga kahit mabilis ang pag­lalakad nila. Hindi pa rin kasi kasimbilis ng pagtakbo ng normal na tao.

Lalo na teenager na lalaki. Mas malakas, mas maliksi.

Galit na galit ang mga ungol nina Marga. Parang mga alulong ng aso na nakakapangilabot.

Ang mga ulap ay tata­kip na sa bilog na buwan.

Nakikita ito ng tatlong zombies. May instinct silang magtago kapag nakatago rin ang bilog na buwan. Ang buwan ang source ng kanilang lakas. Kapag wala ito, wala rin silang buhay.

Kaya mabilis nga­yong pabalik na sa mga libingan ang mag-iinang zombies.

Para magtago rin, ili­bing ang mga sarili nang gutom. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with