^

Para Malibang

Zombie Family (13)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-AABANG na ang zombie family sa mga kabataang dadaan.

Natatakam. Ngayong nakatikim na sila ng karne ng tao, gusto nilang tumikim pa nang tumikim.

Hindi nga lamang tikim, gusto nilang magpakabundat.

Para tahimik silang hihimlay sa ilalim ng lupa habang naghihintay uli ng kabilugan ng buwan.

Pero may isang matatakutin sa grupo.

“Ang dilim naman diyan. Bakit kasi dito tayo dumaan? Di ba doon naman tayo sa kabila laging dumadaan. May ilaw ang poste roon, e.”

Ang matapang ay ang nakasalaming si Ramil. “Nandidito na tayo, iikot pa ba? Dudes, tuloy na tayo. Apat naman tayo, o!”

“Sabi ng nanay ko, pag may kaba, huwag tumuloy. Mabuti na raw nakakasiguro. Iikot na lang ako, ‘di bale nang mapapalayo.”

“Sama na ako sa ‘yo. May tindahan doon  sa kabila, magpapa-load ako.”

“Ano ba? Eh, ayokong ‘tong si Ramil lang kasama ko, e.”

“Okay lang sumama ka na sa kanila, Barbie. ‘Di ako takot mag-isa. Lahi naming ‘di duwag!”

Umiba na nga ng daan ang tatlo, tuloy naman padiretso si Ramil.

Nagsipag-ungulan sina Marga. Naiinis. Iisa na lang ang malalapa nila. Tatlo ang kakain, iisa lang ang kakainin.

Pero wala nang iba pang taong dadaan. Siguro mga takot din na sa madilim na lugar sila maglalakad.

Ano pa nga ba ang magagawa ng pamilyang zombie kundi pagtiyagaan ang nasa harapan?

Unang umatake si Marga. Nakuha sa gulat si Ramil. Nakagat agad ni Marga ang braso ng binatilyong mataba at may salamin.

Pero kahit nagpa-pa­nic, nakalaban si Ramil. Tinadyakan si Marga kaya nabawi ni Ramil ang brasong may kagat na.

Matalino, nakaisip kaagad si Ramil ng gagawin. Bumalik siya. Hindi siya tumakbo padiretso kundi pabalik.

Pero dahil masakit na ang kagat at taranta siya, hindi niya napansin ang isang usling bato sa kanyang dinadaanan.

Nadapa siya. Natanggal ang kanyang salamin, tumalsik sa malayo.

Ang matapang na bata ay biglang nasiraan ng loob. Pero hindi sumusuko, kinakapa ang kanyang salamin para makakakita na siya. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with