^

Para Malibang

Bagong kasal, gusto agad makipaghiwalay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako ay 28 years old, bagong kasal pa lang kami ng mister ko na wala pa kaming isang taon na nagsasama. Kaso sa ganitong kaagang pagsasama namin ay parang gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya na nagsisisi ako kung bakit s’ya ang aking pinakasalan.

Palibhasa ay nasa huling biyahe na ako. Napilitan akong magpakasal dahil ako na lang ang walang asawa sa barkada namin. Sana ay hinintay ko na lang palang ligawan ako ng isang torpeng type ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

Rachelle,

Dear Rachelle,

Hindi mo na maibabalik ang kamay ng orasan. May kasabihan, buntot mo, hila mo. Kung ‘yan ang naging consequence ng iyong pagmamadali, dapat mo itong harapin at panindigan. Hindi talaga madali ang bumuo ng isang pamilya at manatili sa isang relasyon.

Gawin mo pa rin kung ano ang tama para kayo ay magtagal na magkasama. Basta hindi ka n’ya sinasaktan at nagkakaroon lang ng pagtatalo, maituturing pa rin itong normal na pagsasama.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with