^

Para Malibang

Zombie Family (08)

Gilda Olvidado - Pang-masa

MABILIS na sinu­suyod ng tatlong bangkay ang paligid.

 

Sa paglalakad na naninigas, sinusundan nila ang kanilang  pang-amoy.

Hanggang sa nakita na nila ito.

Isang lasing na nakabulagta sa tabing-daan, natumba ito kanina sa kalasingan, tumama ang ulo sa maliit at matulis na bato.

Kaya nagkasugat nang hindi man lang nito nalalaman. Hindi nawalan ng malay, tulog lang.

Kahit kasi may dugo ang sugat, hindi naman sapat para ma-unconscious.

Lalong gumalaw-galaw ang mga dila ng tatlo nang nasa tapat na nila ang duguang lasing.

Mabilis ang dalawang bata, agad umupo para tikman na ang dugo sa sugat.

Pero si Marga, nahuli man, mas malakas naman.

Walang pakialam na itinulak ang mga anak, sabay na bumagsak ang mga ito dahil napakalakas ng kanilang ina.

Humarang si Marga sa lasing at parang binantaan ang mga anak.

May boses na lumabas sa bibig ni Marga pero ungol lang, nakakapangilabot.

Umungol din ang dalawang bata, Nakakapangilabot din. Tanda ng galit, gustong sumuway sa magulang.

Ayaw i-give up ang pagnanasang makakain.

Ano man ang estado niya ngayon, umiral pa rin ang pagka-ina ni Marga. Sinenyasan niya ang mga anak, atakehin na ang “pagkain”.

Iyon lang at parang mga tigreng gutom na nilapa na ng tatlo ang lasing. Isang twist lang sa ulo, nabunot ni Marga ang ulo.

Sumirit ang dugo.

Na agad namang sinalo ng mga bibig ng tatlo.

At saka sinipsip ni Marga ang hawak pang ulo, marami pang dugo doon. Kinain na rin niya ang laman. Utak at iba pa.

Ang dalawang bata naman ay ang leeg na natanggalan ng ulo ang nilantakan.

ANG pinakamalapit sa horrifying na eksenang ito ay ang isang miserableng bahay.

Ang bahay ng lasing.

May naghihintay sa kanya, ang ka-live in na pokpok.

“Saan na naman kaya basta natumba ang Peter na ‘yon? Gabi-gabi na lang ba talaga lasing siya?”

ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with