^

Para Malibang

Zombie Family (02)

Gilda Olvidado - Pang-masa

ISANG napakalakas na kidlat ang tumama sa apartment nina Marga. Kung saan nandodoon din ang kanyang dalawang anak nang mangyari ito.

NAGKAKAGULO ang mga kapitbahay.

“Tinamaan ng kidlat ang apartment nina Marga! Nandidiyan kaya silang lahat? Sunog na sunog, naku po!”

“Kailangan ang bombero! Lumalaki ang apoy!”

“Oy, kayong may mga hawak na celfone diyan! Tawag na ng bombero!”

Hindi nagtagal ay parating na nga ang mga firemen.

Malaki na ang apoy. Agad na pinigilang kumalat.

Pero hindi basta namatay ang apoy. Lumaki pa lalo. At saka nakontrol ang sunog.

SI HERMAN naman akala ay galit lang si Marga kaya umalis ito sa linya. Napapailing siya.

At nakita iyon ni Laurice.

“Okay ka lang?”

“Uhm, yes … Darling. No problem. I’m okay.” Ngumiti siya kaagad sa mabait na asawa.

“Eh, siya … okay lang ba?”

Hindi kaagad nakasagot si Herman.

Natumbok kasi ni Laurice.

“I’m sorry. Kasalanan ko ito, e. Kung hindi ako nagloko, maayos na maayos sana tayo.”

Malumanay lang ang boses ni Laurice. “It doesn’t help ang pagsisisi sa huli, Herman. Mabuti pa, kahit ano man ang sitwasyon, pilitin mong maging maayos. Ayoko ng gulo. Ayoko ng away. Ayokong maaapektuhan ang mga anak natin. Kaya nga natin ito inililihim sa kanila, hindi ba?”

“Oo. At nagpapasalamat ako na hindi pa ako nasisira sa mga anak ko. Ang pagtago mo sa kanila ng kasalanan, hindi lamang sa kanila nakakatulong. Sa akin din.  Even if I am not worth it.”

“Let’s move on from your mistake. Magtulungan na lang tayo para magiging maayos pa rin ang mga taong apektado. Ayusin mo si Marga, dahil ayokong kami ng mga anak mo ang pagbubuntunan ng galit at selos niya.”

“I will. I promise, Laurice.”

WALANG kaalam-alam si Herman na patay na ang pangalawa niyang pamilya. Hindi naman nawarak ang mga katawan pero sunog.   -  ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with