^

Para Malibang

Valentine Spell Mula Sa Great Britain

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Bay Leaves sa Unan

Sa Great Britain noong 1700s, ganito ang ginagawa ng mga dalaga bago matulog sa gabi ng February 13 (bisperas ng Valentine’s day) upang makita nila sa pana­ginip ang magiging hitsura ng kanilang mapapangasawa: Kukuha sila ng 5 pirasong bay leaves (or laurel leaves) at wiwisikan ng tubig na pinagbabaran ng rose petals. Ang isang piraso ng bay leaf ay ilalagay sa gitna ng unan (sa loob ng punda), tapos ang apat ay ilalagay sa apat na corner ng unan (sa loob ng punda).

Matapos iayos ang bay leaves, kakain sila ng nilagang itlog na isinawsaw sa asin. Pagkatapos kumain ay uusalin ang mga sumusunod: “Good Valentine, be kind to me. In dreams, let me, my true love see.” Matulog at umasang makikita mo sa panaginip ang mapapangasawa.

Pangalan ng Manliligaw

Isusulat ng dalaga ang pangalan ng kanyang mga manliligaw sa bawat piraso ng papel, tapos ididikit ang bawat papel sa bola na gawa sa clay. Ilulubog ang bola sa timba na puno ng tubig. Ang unang pangalan na lumutang sa tubig ang mapapangasawa ng dalaga.

Buto ng Mansanas

Ang magkasintahan ay magbibiyak ng napakapulang mansanas sa Valentine’s Day. Kung ilan ang buto sa biniyak na mansanas ay iyon ang magiging bilang ng magiging anak nila kung sila ay magkakatuluyan.

vuukle comment

VALENTINE SPELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with