^

Para Malibang

Dapat bang iwan ang anak sa mga biyenan?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Wala namang masama kung iiwan ang anak sa biye­nan kasi siyempre, mas okay ang alaga ng isang ina, ng isang tao na may experience na sa pagpapalaki ng anak. At higit sa lahat sa taong nagpalaki mismo sa iyo tulad ng iyong ina, o ina ng iyong misis.” - Xavier, Makati

“Hindi siguro, unang-una mas mabuti kung ikaw mismo ang magpapalaki sa anak mo para sa sarili mong istilo kung paano mo siya didisiplinahin. Iba na kasi ang mga kabataan ngayon. Iba na ang generation kaya mas okay na medyo updated din ang parenthood. Syempre kasi kapag biyenan  mo ang mag-aalaga sa anak mo, alam mo nang old school yan eh, kung paano ka pinalaki, ganun din ang style na gagamitin nila.” - Romello, Batangas

“Depende yan sa pag-uusap nilang mag-asawa. Personally, sa akin ay okay lang since close rin naman ako sa biyenan ko. Alam ko kung anong ‘atake’ ang gagawin nila kapag kinailangang disiplinahin ang anak ko at malaki ang tiwala ko sa kanila lalo na sa usapin ng pera.” - Darious, Bicol

“Para sa akin hindi okay yun dahil syempre magkakaroon yan ng pagkalito sa anak mo. Baka mamaya pag makita ka niya ay hindi ka na niya sundin tulad ng pagsunod niya sa lola niya. Mas maganda kung ikaw mismo ang magpapalaki sa kanya.” - Steph, Tagaytay

“Oo naman. Sila yung pinakapagkakatiwalaan mo sunod sa asawa mo at magulang mo. Maganda rin talaga kung malapit ka sa biyenan mo para sa oras ng panga­ngailangan, nandiyan sila para umalalay sa inyo ni misis and vice versa.” - Vinson, Manila

vuukle comment

BIYENAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with