^

Para Malibang

Mai-in love ka ba sa ka-chat mo sa Online?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Bakit naman hindi? I mean, posible yun mangyari kung caring siya. Kasi imagine, naipapahiwatig niya sa ‘yo ang care niya kahit hindi pa kayo nagkakasama, what more kung nagkasama na kayo. Kaya may chance talaga na ma-in love ka sa taong hindi mo pa nakikita. Usung-uso yan sa mga dating site at marami na ang nagtagumpay diyan. Hindi na bago sa ating mga Pinoy ang ganyang kwento na nagkakilala sa Facebook at iba pang online dating site pero naging successful ang marriage.” - Amir, Laguna

 

“Nasa tao yan. May mga ilan kasi na nililimitahan ang mga sarili nila sa pakikipag-chat through websites dahil natatakot silang maloko. Meron din kasing scammers at walang masama run lalo na sa mga babae. Kailangan talaga ay mag-ingat nang mabuti dahil marami na ang na-rape diyan sa eyeball.” - David, Caticlan

“Hindi po siguro, sa panahon ngayon, ang dami mo nang pekeng makikilala sa social media. Toxic na rin minsan ang magbabad sa Internet, pipiliin mo bang makipag-girlfriend sa Internet din? Saka paano n’yo po malalaman na mahal ka ng isang tao kung hindi mo pa siya nakikilala ng personal. It takes time po eh, bago kayo magkakilala at mahulog ang kalooban ninyo sa isa’t isa.” - Xander, Isabela

“Base sa personal na karanasan, pwedeng-pwede and I’m proud to say na kami ng misis ko, nagka-inlaban kami through Facebook although magkakilala kami talaga. Highschool batchmates po kami tapos ayun nagka-chat kami sa FB, naging kami and after one year, saka kami nag-meet dahil OFW po siya. Ayun nagpakasal kami ay ngayon ay may dalawa nang anak.” - Tope, Manila

“Naku depende yan sa tiwala ninyo sa isa’t isa, maraming tukso sa paligid na pwedeng ikaudlot ng relasyon niyo pero nasa inyo pa rin iyan kung gusto n’yo talagang i-work yan.” Berto, Baguio

 

vuukle comment

ONLINE CHAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with