^

Para Malibang

Multong Bahay (114)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NATIGILAN si Donna.

 

“N-nasa purgatoryo ako?”

“Yes. Okay, next. At ikaw naman, papunta ka na sa orientation department.”

Naaliw si Donna. “Orientation department?”

“Oo. Para hindi ka na kailangang magtanong. Dahil sa orientation department ay kusa mong matutunan ang lahat.”

“Oh, really? Sige ho.”

Nag-uusap sila ng walang ginagawang pagbukas ng bibig. Mental communication.

Pero klaro ang lahat.

“Iba nga ang second life! And this is life na iba na ang dimension! Pero sayang ... mukhang malabo ko pang mapuntahan ang lahat. But it’s okay. Masaya naman sa tingin ko ang purgatoryo. At kung totoo ang concept na cleansing state ito, then may pag-asang makakaakyat ako sa heaven!”

Kusa rin siyang dumating sa orientation department.

Pumasok lang siya at may naglagay sa kanya na nakaputi rin, kung anong napakabangong likido sa noo.

At kusa na rin niyang nalaman ang lahat sa purgatoryo.

Na rito, kapag hindi taimtim ang pagdadasal mo sa Diyos na nasa langit ay  hindi ka mapapakinggan.

Hindi ka parurusahan pero kusa kang mahihirapan.

Mawawala nang kusa ang iyong inspirasyon at pag-asa. Mananamlay ka. Parang hindi makakabangon ang iyong kaluluwa.

At pinanood niya ang mga kaluluwa sa purgatoryo na wala nang pag-asa ang kaligayahan.

Nasa tabi sila ng building, nakalupasay sa napakalinis na marmol, para silang mga nasipsipan ng pag-asa at lakas.

“Kawawa naman. Ayokong matulad nila. Noong nasa mundo ako, mahal ko ang buhay. Ngayong nandidito ako sa purgatoryo, mamahalin ko rin ang lugar na ito. Gugustuhin ko rin ang buhay dito”

May isang nakapu­ting kagalang-galang na lalaki.

Nakatingin sa kanya.

At narinig niya sa isip ang sinabi nito.

“Papunta ka nang Penalty department.”

Namangha na naman sa isip si Donna Aguilar. “Penalty department? May parusa ako o ... pe­nalty?”  - ITUTULOY

 

vuukle comment

ORIENTATION DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with