^

Para Malibang

Sino ang dapat humawak ng budget ng pamilya, si tatay o nanay?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

* Yung mister ko nag­rereklamo bakit daw ubos agad ang budget namin. Siya ang pinahawak ko ng pera, eh ‘di nabaliw siya. Akala ng mga lalaki madaling mag-budget. Kahit malaki ang iniintrega nilang pera ‘di ba! – Joi, Manila

* Ako ang taga-budget sa bahay. Mahina kasi sa math ang asawa ko. Ang bagal magkuwenta ng asawa ko ng mga gastusin. Kaya ako ang tagahawak ng pera namin. – Maricel, Sampaloc

* Siyempre dapat ang mga nanay ang may hawak ng pera. Ang mga lalaki wala namang pasen­siya yan sa mga pagba-budget. Basta ibigay ni hubby ang buong pera, solve at ipinapakita ko sa listahan ng notebook namin ang lahat ng nagastos at bayarin ng pamilya. Ganyan kagaling mag-manage si nanay ‘di ba! – Zeny, Makati

* Naku yung mister ko ay pinaghalong Bisaya at Ilonggo na parehong one day millionaire pagdating sa pera na nagmana sa mga biyenan ko. Akala mo kung gumastos ay wagas na parang wala nang bukas. Kaya ako ang namamahala ng kaperahan namin na sang-ayon naman ang mister ko. – Jemaiah, Batangas

* Ang sweetheart ko ang may hawak ng pera katulad ni Adan na leader sa lahat. Hinayaan ko rin si hubby para alam niya ang budget ng pamil­ya. Para hindi magloko at mangbabae ang mister ko dahil knows niya ang bigat ng responsibilidad ng gastusin kung kukuha pa siya ng isa pang pakaining pamilya. - Jade, Molino

 

vuukle comment

NANAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with