^

Para Malibang

Multong Bahay (83)

Gilda Olvidado - Pang-masa

HABANG winiwisikan ng benditadong tubig nagawa pang magtanong ng multong buhay kay Don Aguilar.

“Kung magpapakabait ba ako, ako na ang mamahalin mo?”

“Father, pakitigil muna po ang pagwiwisik sa kanya, mukhang kailangan muna kaming mag-usap. Sa kawiwisik po ng benditadong tubig ay baka mauubos na siya, hindi na kami makapag-usap.”

“Sige, Don. Mag-usap nga muna kayo.”

Tapat naman si Don, hindi siya marunong mambola. “Multong buhay, magbago ka dahil iyon ang tama. Hindi sa ano pa mang dahilan.”

“Pero importante sa akin ang pag-ibig ko sa iyo!”

“Mas importante ang kaligtasan ng kaluluwa mo.”

“Sagutin mo na lang ako ng diretso!”

Bumuntong-hininga muna ang binatang surgeon. “The truth is, palagay ko kahit pa maibalik sa iyo ang mukha at katawan ni Agyana, hindi mata-transfer sa iyo ang pagmamahal ko!”

Nagalit na naman lalo ang multong buhay. “Pero bakit? Ako naman talaga ‘yon!”

“Hindi rin. Dahil hindi lang naman physical ang minamahal ko sa Agyana ngayon. What’s inside her palagay ko ang mas natutunan kong mahalin. Ang kabutihan, the purity of her heart and soul …”

“Katangahan! Kapag nasa akin na uli ang mukha at katawan na ‘yon, wala nang matitira sa kanya na makikita mo! She will be nothing! Ano ang mamahalin mo sa nothing?”

Natigilan si Don Aguilar. Napatingin kay Father Eric. Parang hindi niya alam ang sagot doon.

Parang masakit.

Nagsalita ang pari. “Don, ang tunay na pagmamahal ay walang kamatayan. Hindi nagbabago kahit ano pa ang nangyayari sa kanyang minamahal.”

Napatango si Don. Para sa kanya ay tama nga ang sagot na iyon.

“Hindi rin naman pala talaga ako magtatagumpay sa pag-ibig. Pero tama si Father, ang tunay na pag-ibig ay hindi namamatay kahit ano pa ang mangyari. Malungkot man ako at masaktan, kaya ko. Dahil tunay ang pag-ibig ko.”

KITA ni Kerubina na nalulungkot at nag-aalala si Agyana. “Wala naman sigurong nangyaring masama kay Kuya Don, Ate Agyana … Di ba tutulungan siya ng kaibigan niyang pari? Kaya nila ho ang multong buhay.”

ITUTULOY

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with