^

Para Malibang

Multong Bahay (81)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAKARATING na si Don sa kanilang bahay.

“Sir, ano, sugurin na natin?”

“Kailangang mapaalis natin siya dito. Ayokong gagawin niya itong lungga niya.”

“Pero paano, Sir?”

“Magdasal muna tayo. Sa kanyang harapan. Baka matakot siya at umalis.”

“Sir, ang epektibo ho yata ay ‘yung kukuha tayo ng pari at itaboy ang multong ‘yan sa pamamagitan ng bendisyon.”

Napaisip si Don.

“Better idea. May chaplain sa ospital namin, tatawagan ko. Kaibigan ko ‘yon.”

            Si Father Eric ay kaagad  nakausap ni Don.

“Ano? Multong buhay? May ganoon ba? Buhay na multo? Paano nangyari ‘yon?”

“Father, kapag may time, promise, I’ll tell you everything. Pero kasi sa ngayon, mas importanteng pumunta ka dito para matulungan mo kami sa pagtaboy sa kanya. At makita mo rin siya. And so I can prove to you she is not just a figment of my imagination.”

“I’ll be there in a bit. Saan ba ‘yan?”

 “Malapit lang. Dito sa Valle Verde.”

“Text me the exact address, I’m going!”

“Thanks, Father!”

ANG multong buhay ay patuloy sa pag-ungol, sa pagdaing. Gusto niyang lalong kilabutan ang mga kasambahay na lalaki nina Don.

Gusto niyang magtakbuhan na ang mga ito para mapahalakhak siya.

Biglang nabuksan ang pinto.

Mula sa pagkakahiga sa kama, napaupong bigla ang multong buhay sa tabi.

Pumasok si Don. May nakapulupot na rosary sa kanyang kamay.

Matapang na namang humarap si Don sa multong buhay.

 “Umalis ka na dito. Magdadasal kami ng buong rosary para matatakot ka at iiwan mo itong bahay namin.”

Titig na titig ang multong buhay kay Don Aguilar. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa binatang surgeon.

Sobra-sobra na ang paghanga niya dito dahil sa kakaibang katapangan. Hindi talaga siya makakapayag na hindi mapapasakanya ang doctor na ito. Lalapitan na sana niya ito nang dumating naman ang young priest na si Doctor Eric. - ITUTULOY

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with