^

Para Malibang

Holiday stress at depression

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang stress at depression ay puwedeng panira ng ating holiday at maapektuhan ang inyong kalusugan. Minsan ang holiday season ay nagbibigay ng unwelcome guests tulad ng stress at depression. Dahil sa demand ng holidays na kaakibat ang parties, shopping, baking, paglilinis, at pag-entertain na iilan sa nagpapa-busy sa karamihan na hindi na ma-enjoy ang pinakamasayang okasyon ng taon.

May paraan upang ma-minimize ang stress na kaakibat na ng holidays. Una ay aminin ang iyong nararamdaman. Kung namatayan ng mahal sa buhay kamakailan, normal lamang na makaramdam ng lungkot o pighati. Okey lang na umiyak upang maihayag ang nararamdaman. Hindi puwedeng pilitin ang sarili na maging masaya dahil lamang sa holiday season.

Pero huwag kalimutan na mag-reach out kung nalulungkot na huwag isolate ang sarili. Puwedeng sumama sa mga activities ng komunidad o ibang special events.

Ang pamilya o kaibigan ay puwedeng magbigay ng support at companionship. Maaaring mag-volunteer upang makatulong sa ibang tao na magandang paraan para sumaya ang spirit at mapalawak ang friendship sa kapwa.

Maging realistic na ang holidays ngayon ay hindi kasing perfect nang nakalipas na taon. Ang pamilya ay nagbabago at naggo-grow maging ang tradisyon at rituals din. Nasa ating desisyon kung panatilihin ang mga nakagawian o gumawa ng bagong rules.

Puwedeng ang ikaw ay adult na hindi na puwedeng magbahay-bahay gaya ng caroling, maghanap ng sariling activities o makakasama na makaka-bonding sa pagdiriwang ng okasyon. Maaaring makipag-share ng pictures, emails, videos sa iyong mahal sa buhay at kaibigan.

vuukle comment

DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with