^

Para Malibang

Multong Bahay (78)

Gilda Olividado - Pang-masa

DUMATING si Don sa upisina ni Agyana.

Masaya si Agyana pero nag-aalangan.

“P’wede ka bang makausap kahit sandali? Anyway, tumiyempo talaga ako ng breaktime. But since may posisyon ka na, hindi mo naman kailangan ng breaktime para mag-entertain ng bisita. Tama kaya ako?”

Simpleng tumango si Agyana. Kinakabahan sa mga sasabihin ni Don.

“Agyana, puwede na ba akong manligaw?”

Natigilan si Agyana.

Nasabi sa sarili na tama ngang kabahan siya kay Don Aguilar. Dahil masigasig ito kapag may intensiyon.

“Don, nasa gitna ng kaguluhan tayo ngayon. Sinugod kami kagabi ng multong buhay, demanding that I return her body pero hindi ganoon kadali ‘yon. Ang kanyang mga ninuno pa rin and ultimately ... ang Diyos ang magdi-decide dito. At habang wala pang disisyon, I’m still infront for whatever will happen.”

“Pero Agyana, paano ang nararamdaman ko sa iyo?”

“Para sa akin na kaluluwang nanggaling sa purgatoryo o para sa katawan at mukha ni Agyana? Have you decided on the answer of this question, Don?”

“It is both. Ang mukha at ang iyong kabaitan. Pero higit ang kabaitan mo, I’m sure. Your inner person.”

“Magulo pa, Don. Saka magkaiba tayo. Without this face and body, I am not a human. Kaluluwa lang ako.”

Nanlumo si Don.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Agyana. “At alam mo ba kung ano ang misyon ko dito? It is to convince Agyana na magbago siya para makabalik siya sa dati. So you see, nagku-contradict ang misyon ko sa ... ano mang nararamdaman natin para sa isa’t isa.”

Nabuhayan ng loob ang binatang surgeon. “So ibig sabihin may nararamdaman ka rin para sa akin?”

Hindi makasagot si Agyana.

Yumuko na lang.

Para naman kay Don ay pag-amin ito. Pag-amin na pumupuno ng kaligayahan sa kanyang puso.

“Okay. I don’t need to hear your answer. Your reaction is enough. And you really make me happy.”

“Don! Wala pa akong sinasabi sa iyo na may mararating itong sitwasyon natin. Don’t hope, please. Baka mabigo ka lang. Masakit ‘yon sa akin, na mabibigo ka.”

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with