^

Para Malibang

Hiwaga sa diplomat hotel

MRYOSO - Pang-masa

Bukod sa Teacher’s Camp, Burnham Park, Laperal White House, at marami pang iba, isa ang Diplomat Hotel sa pinakapuntahan ng mga taong pumapasyal sa Baguio City.

Hanggang alas-singko lang puwedeng mag-ikot dito dahil napakadilim na pagsapit ng alas-sais.

Kadalasan ay walang tour guide sa nasabing gusali, pero nang minsan kaming pumasyal dito ay nasaktuhan namin ang isa sa mga ito. Inumpisahan naming libutin ang ­unang palapag kung saan matatanaw ang isang fountain na sobrang laki at sobrang luma. Ayon sa tour guide, noong panahon ng mga hapon, ang fountain na iyon ay laging napupuno ng dugo. Doon daw kasi itinatapon ang mga batang pinapatay at pinupugutan ng ulo.

Sa pangawalang palapag makikita ang napakaraming silid at sa dulong silid nito, ipinagbabawal na kumuha ng litrato. Maaari kasing sumama sayo ang mga kaluluwang ‘di matahimik.

Sa pangatlo at pinakahuling palapag makikita ang napakagandang view ng kabuuan ng Baguio, sa gitna nito ay may isang malaking krus.

Ayon sa mga kuwento, ire-renovate na ang Diplomat Hotel at ang nasabing krus na lang ang natitirang nandoon dahil hindi ito matibag-tibag. Mayroon daw kasing tatlong pari na ibinigti sa magkabilang dulo nito sa kadahilanang ayaw nilang maging alipin. Nangako silang hinding-hindi aalis doon kahit anong mangyari.

Sa ilalim nito makikita ang isang parang pugon at doon sinusunog ng buhay ang iba pang mga Pilipino.

 

vuukle comment

HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with