^

Para Malibang

15 Nakawiwindang na katotohanan ayon sa Science

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Biyaheng Sensya ng Rampadora

 

1. Pinaniniwalaan ng NASA experts na may 100 billion hanggang 400 billion  na stars  ang matatagpuan sa Milky Way gala­xy. Ganun pa man, nai-published sa Nature na isang journal noong 2015 na hindi hamak na mas mataas ang bilang ng mga puno sa buong mundo na umaabot ng 3.04 trillion.

2. Karamihan sa atin ay nag-aakalang walang kulay ang oxygen pero katunayan, mayroon itong kulay at ito ay blue-smoke. Bilang gas, walang amoy at kulay ang oxygen. Pero kapag ito ay nasa liquid at solid forms, kulay asul ito. 

3. Isang letra lamang ang hindi matatagpuan sa periodic table at ito ang letrang J. 

4. Radioactive ang sa­ging. May potassium na taglay ang nasabing prutas at kapag ‘nabulok’ ito ay nagiging radioactive ang nasabing prutas. Pero walang dapat ikabahala dahil kakailanganin mo munang kumain ng sampung milyong saging nang sabay-sabay bago mamatay dahil sa radiation poisoning. 

5. Mas mabilis mag­yelo ang mainit na tubig kesa sa malamig. Nagsimula ito nang mapansin ng Tanzanian student na mas mabilis magyelo ang mainit na icecream kesa sa malamig. Pinaniniwalaan ng mga scientist na dahil ito sa may specific disposition ng mainit na liquid. 

6. Mas madaling uminit ang malamig na tubig kesa sa maligamgam na tubig. Mpemba effect ang tawag sa discovery na ito. 

7. Related umano ang mga tao sa fungi. Isang pag-aaral noong 2015 sa University of Cambridge ang nagsasabing nag-evolve ang mankind mula sa halaman. At dahil sa mga nasabing findings, researchers accept that about 1 percent of the human genome could have been acquired from plants.

8. Maaaring umulan ng diamonds sa ibang planeta. Isang pag-aaral ang nagsasabing nagpo-produce rin ng diamonds ang Neptune, Uranus, Jupiter at Saturn.

Matindi ang pressure ng atmosphere sa mga nasabing planeta na kaya nilang mag-crystalize ng carbon at gawin itong diamonds. Sinasabi rin ng isang grupo ng researchers na maaaring umulan ng 2.2 pounds ng diamond sa Saturn kada-taon. 

9. Kayang-kaya na­ting paliparin ang bola kung paiikutin muna ito bago ibato. Magnus effect ang tawag dito, at napapadali nito ang paglalaro ng tennis, volleyball, at basketball. 

10. Maaaring mag-exist nang sabay-sabay sa tatlong state ang tubig bilang gas, liquid, at solid. Tinatawag itong Triple Boil ay kinakailangan ng specific conditions para ma-achieve ito. 

11. Isang klase lang ng mammals ang nakakalipad at ito ang mga paniki. Inakala ng marami na nakakalipad din ang flying squirrels, pero katunayan ay nakakatalon lang sila at nagga-glide. 

12. Ang energy na niri-release ng solar flares ay katumbas ng 100-megaton atomic bombs na suma­sabog ng sabay-sabay. Sobrang mahalagang bagay na pinoprotektahan tayo ng atmosphere ng Earth mula sa mapaminsalang radiation. 

13. Imposibleng ma­ka­pag-burp sa internet ng isang astronaut.

Kapag nag-burp ka sa Earth, hinihila ng gravity ang solid at liquid food na iyong kinain kaya gas lamang ang lalabas sa iyo. Kapag walang gravity tulad ng mga nararanasan ng astronaut sa labas ng Earth, hindi mahihiwalay ang gas sa solid at liquid. Katunayan, maraming pagkain ang bawal sa outer space para maiwasan ito. 

14. Mas nalaki ang tyansang maging colorblind ang lalaki kesa sa mga babae. Ang genes na responsable sa most common type ng colorblind ay matatagpuan sa X chromosome ayon sa National Eye Institute. 

15. Punum-puno ng kadiliman ang buong kalawakan. 96% nito ay gawa sa dark matter at dark ener­gy.

Pinaniniwalaan ng mga scientist na dahil hindi nakakapag-interact ang mga nasabing substance sa regular matter at light.

Tanging stars, galaxy, at planet lamang ang nakikita sa mga pag-aaral na makikita sa kalawakan dahil hindi pa masyadong makita yung iba na gawa sa dark matter. 

(source: reader’s digest) 

 

vuukle comment

SCIENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with