^

Para Malibang

Multong Bahay (72)

Gilda Olividado - Pang-masa

DUMATING na ang multong buhay sa dating bahay niya.

Malakas siya, galit.

Ang unang nakita ay ang mga magulang niya. At ang batang si Kerubina.

Nasindak ang mga magulang dahil dati ay pangit at nakakadiring tingnan ang multong buhay ngayon ay higit pa.

Ang mukha ay parang kandilang natutunaw na laman. Butas-butas, kulay itim ang mga bilog-bilog na butas.

Ang ulo, ang buhok ay magkahalo na, mel­ting din .

Ang bibig ay may oozing na tila lava, umaapoy.

Hinimatay kaagad ang dalawang matanda dahil inatake nang hindi maka­yanang takot.

Si Kerubina ay mas nag-aalala sa dalawang matanda kaysa natatakot. “Lola, Lolo! Huwag po tayong matakot, maniwala lang po tayo sa kapangyarihan ng Diyos!”

Pero hindi na siya naririnig ng mga ito, nakahiga na sa sahig, walang malay.

Hinarap ni Kerubina ang multong buhay. “Akala mo ba pati ako natatakot sa ‘yo? Salbahe ka talaga. Mga magulang mo sila! Bakit di mo maisip na makakasama sa kanila ang magpakita ka nang ganyan? Hindi ka lang pangit at nakakadiri, ang mas nakakatakot sa iyo ay ang galit mo!”

Sumigaw ang multong buhay. Nakakabingi, nakakapanindig ng bala­hibo. Pero ang batang tila anghel sa lupa ay talagang matapang.

“O de sige, sumugod ka na!”

Napangisi ang multong buhay.

Alam niya ngayon na nabigyan na siya ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi na siya nakakatakot lamang na entity.

May solid form na rin siya.

Na kapag umatake ay makakasakit, makakamatay.

Humanda siya sa pag-atake kay Kerubina.

Parang may matinding lakas na nagpalipad sa kanya papunta sa bata.

Pero hindi siya natuloy sa kanyang pinupuntirya.

Dahil may humarang.

Si Agyana.

Umiilaw ang buong katawan  nito, bluish na ilaw. Liwanag ng kabutihan at kabanalan.

Pero may puwersa. Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with