^

Para Malibang

Multong Bahay (70)

Gilda Olividado - Pang-masa

ISINAMA nga ni Agusan si Keribima sa bahay.

“Anak, sino siya? Napakagandang bata. Nakakaawa dahil bulag.”

Ngumiti si Kerubina. “Huwag kayong maaawa po sa akin kasi okay lang ako. Napakaganda po pala ng ina ni Ate Agyana.”

“Talaga? Bakit mo nasabi gayung hindi mo naman ako nakikita.”

“Sa boses pa lang po ay alam ko na. Matamis pong pakinggan. Kaya ibig pong sabihin ay maganda na, maganda pa ang kalooban.”

“Eh ako kaya, ineng? Ako ang ama ni Aguana, ano ang hula mo?”

“Guwapo po kayo kahit Hindi kayo palangiti.”

Natawa ang ginang. “Tama ang hula mo, ­ineng. Aba, mas madalang pa sa bagyong tag-unit ang ngiti niyang asawa ko.”

“Gusto ko po rito kasi ang babait ng mga tao,”

“Eh, tingin ko ang bait-bait mo rin kaya kahit Hindi tayo magkadugo gusto kitang ituring na apo.”

“Poprotektahan ko po kayo. Hindi po ako papayag na May mananakit sa Inyo.”

Biglang natakot ang dalawang matanda.

Pero hinawakan sila ng batang bulag sa mga kamay. “Huwag kayo ng matakot. Ang multong bulag ay lalong lalakas sa takot.’

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with