^

Para Malibang

Multong Bahay (68)

Gilda Olvidado - Pang-masa

KAKAIBA nga ang nararamdaman ni Agyana kay Kerubina kahit bulag ang napaka-cute na bata.

“Hindi nga siya basta bata lang.”

“Namatay na siya ng isang araw saka nabuhay uli. Marami siyang ikukuwento sa iyo kapag kinausap mo siya. Kilalanin mo siya. Ramdam kong makakatulong si Kerubina sa iyo. Alam kong nandidito ka dahil sa kakaibang misyon. At alam ko rin … may panga­nib na parating.”

“Siguro … hindi rin kayo isang ordinaryong madre lang.” Manghang nakatingin si Agyana sa alagad ng Diyos.

“Matutulungan kita kapag dumating na ang pa­nganib. Pero mas kailangan mo si Kerubina. Ako ay … magbabantay sa ibang taong nanganganib. Masyado tayong kokonti para magsama-sama.”

Tumango si Agyana. “Naiintindihan ko ho.”

Ngumiti ang madre saka binalingan si Kerubina. “May bago kang kaibigan, Kerubina. Si Agyana.”

“Hello po.” Napakatamis ng boses ng batang bulag.

“Hi, Kerubina.” Masayang lumapit si Agyana dito.

“Alam ko pong napakabait ninyo. At … nanggaling po kayo sa isang lugar na wala dito sa mundo.”

“Halika. Doon tayo sa hardin. Para makapagkuwentuhan tayo nang husto.

Sumama kaagad si Kerubina kay Agyana.

“Ang ganda po ng mga bulaklak dito, ano po?”

“Pero hindi mo naman nakikita.”

“Pero nakikita po ng isip ko at puso. Alam ko po mga hugis nila, ang mga kulay nilang mati­tingkad. At saka siyempre po, naaamoy ko ang bango nila.”

“Napaka-lucky mo. Dahil kahit may kapansanan ka, higit ka pa sa normal na tao pagdating sa mga katangian.”

“Ate Agyana … ano ang masasabi ninyo sa purgatory?”

“Kung ganoon ay alam mo kung saan ako nanggaling.”

“Opo. Alam ko rin po na ang pinanggalingan ninyo ay wala sa langit at wala rin ho sa impiyerno.”

“Dahil galing ako sa purgatory. Na-cleanse na ako, Kerubina. Pero naparito ako hindi para sa sarili ko. Kundi sa mga tao na mapapahamak kapag dumating na ang sugo ng demonyo.”

“Tutulungan ko kayo. Hindi sila mananalo.” Tiim-bagang na sumagot si Kerubina.”                 ITUTULOY

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with