^

Para Malibang

Multong Bahay (56)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NATUWA sina Don.

“Tagumpay ang dasal natin!”

“Oo nga! Nawala ang multo!”

“Iba talaga ang dasal! Yahooo! Wala nang mananakot sa atin!”

ANG multong buhay ay napunta sa isang lugar na puro punong-kahoy, walang kabahayan.

“Ano ang nangyari sa akin? Itinapon ako rito ng pagdadasal nila?”

Ni hindi niya alam kung ano ang lugar na kinaroroonan.

“Parang bundok ito, malayo sa kabihasnan. Ibig sabihin ayaw ng Diyos na mananakot ako kaya nandidito ako.”

 Sa halip na magsisi, nagalit siya lalo.

“Hindi ako papayag na ganito na nga ang itsura ko, naaapi pa ako! Kung ang kakampi nila ay Diyos, puwes ako ... hahanap ako ng ibang kakampi!”

Naisip niya kaagad si Satanas.

“Satanaaas! Totoo ka naman, hindi ba? Sasamba ako sa iyo kapag tinulungan mo ako!”

Katahimikan.

 Walang pumapansin sa kanyang pagtawag.

SINA Don Aguilar at Donna Aguilar ay nag-uusap.

 “Hindi nga, Kuya ... totoo ang sinabi ninyo? May multo at natalo ninyo nang magdasal kayo? Biglang nawala!”

“Sis, hindi nga rin ako makapaniwala na totoo ang multo. Pero kitang-kita ko! Pero hindi kami nagpatalo sa takot. Lumaban kami. Nagdasal kami. And then she disappeared. It was not an intentional disappearance. Obviously, nawala siya dahil sa mga dasal namin.”

“Hindi na kaya ‘yon babalik?”

“Babalik man siya, mawawala siya uli. We can always pray. Iyon lang ang panlaban. Dasal lang.”

“Pero ano ‘yung sabi mong kilala niya ang babaing gusto mo? At ... at narinig mong sinabing mahal ka niya?”

“I heard it, sis. At pati ng hardinero natin, dinig na dinig niya.”

“So? Bakit? Ano ang explanation?”

“I really don’t know, sis. I have to ask Agyana, bukas naman ay may usapan kaming mag-coffee shop.”

“May explanation kaya siya o wala rin siyang alam?” ITUTULOY

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with