^

Para Malibang

Nanay itinakwil ng sariling anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nakapag-asawa ang anak ko ng isang mayamang seaman. Nang minsan kaming masunugan ay sinabihan kami na hindi kami puwedeng tumuloy sa bahay nila dahil sa nandun daw ang kanyang mister. Wala kaming magawa kundi mamalagi sa shelter. Pero pumupunta ang anak ko sa shelter na kung todo nakakotse para mamigay ng mga delata at pagkain sa mga nasunugan katulad namin. Ang sakit sa dibdib na isa sa anak ko ay tinatakwil kaming sarili niyang pamilya. Maging mga kapitbahay ay nagtataka kung bakit hindi man lang kami pinatuloy sa magarang bahay ng aking anak. Ngayon ay nakikipisan kami sa pinsan ko habang naghahanap ng mauupahan. Hindi ko maiwasan na masaktan sa ginawa ng anak ko. Tama ba na magalit ako sa anak kong nagtakwil sa amin? - Nanay Linda

Dear Nanay Linda,

Hindi natin saklaw ang pag-iisip ng iyong anak. Maaaring ayaw niyang maguluhan ang pamamahay nilang mag-asawa. O baka may usapan sila ng mister niya na hindi tatanggap ng kamag-anak o pamilya sa kanilang tahanan. Ang maganda ay unti-unti nang nakakabangon ang inyong pamilya. Patawarin na iyong anak upang mabawasan ang hinanakit at makausad sa inyong buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with