^

Para Malibang

Tipidtipiran sa Gas

Pang-masa

Masakit na sa bulsa ang mataas na presyo ng gasolina. Magbaba man ng presyo ay kaunti lang at hindi kasing dalas at kasing laki nang pagtaas ng presyo ng gasolina. Ang pinakamagandang gawin para makatipid ay mag-commute. Puwede ring maglakad o mag-bike na lang kung kaya naman. Nakatipid na, naka-exercise pa.

Ngunit kung kailangang magsasakyan, kailangang marunong kang makatipid sa gas.

Arangkada -Kadalasan, mula sa stop light, gigil sa pag-apak ng silinyador ‘pag nag-GO na.

Masarap umarangkada ‘di ba? ‘Yung tipong naki­kipag-unahan ka sa katabing sasakyan  sa stoplight.

Kapag naunahan mo ang katabing sasakyan, medyo mayabang ka. Pero ang totoo, talo ka sa gas.

Mas malaki ang nakunsumo mong gas sa pagpapaarangkada mo. Base sa ginawang pag-aaral, kapag sakto lang ang arangkada at dahan-dahan ang paghinto, mas nakakatipid sa gas. Nakakatipid ng hanggang 35% sa gas ayon sa mga ginawang pag-aaaral.

Arangkada pa more - Dahil high tech na tayo ngayon, malaking tulong ito para makatipid sa gas at sa oras ng biyahe.

Malaking tulong ang Waze at Google Map sa mga motorist. Bago umalis, gumamit ng mapping website para makuha ang mabilis na daan patungo sa iyong destinasyon. Gamit ang Waze, makakaiwas sa traffic na daan. ‘Yan ay kung may malakas na signal sa area na kinaroroonan.

Maging wais - Kung magpapakarga ng gasolina, maging mapili kung saan magpapakarga.

Siyempre, ‘dun ka magpakarga sa mura. Hindi na kailangang mag-ikot pa para maghanap ng gas na mura.

Gamitin ang teknolohiya para malaman kung saan ang murang gasoline station.

May apps para malaman kung saan ang murang gas station. Ipinapa­yong gumamit ng cash kaysa sa credit card kapag nagpapa-gas.

vuukle comment

GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with