^

Para Malibang

Aso nagpapanggap na palaboy para makakuha ng libreng burger

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Isang babae sa Oklahoma ang nag-post ng larawan ng isang aso. Ayon sa kanya, ang aso raw na ito ay ang kanyang alagang si Princess at nagpapanggap lamang na palaboy para makakuha ng McDonald’s burger.

“If you see my dog @ the McDonald’s on shields, quit feeding her fat a** bc she don’t know how to act & be leaving the house all the time to go walking to McDonald’s at night. She’s not even a stray dog, she’s just a gold diggin a** b*tch that be acting like she’s a stray so people will feel bad for her & feed her burgers,” post ng owner ni Princess sa social media na Twitter.

Nahuli si Princess ng kanyang owner sa gawain niyang ito nang minsan niya itong sinundan kung saan papunta. Nilabas ng owner ang kanyang camera para hulihin sa akto ang nasabing aso.

Kitang-kita niya kung paano magpaawa ang kanyang aso para mabigyan ng pagkain.

Huminto ang sasakyan ng owner sa tapat ni Princess at agad naman itong lumapit sa kanya para humingi ng pagkain, ngunit napaatras ito nang makilala niya ang kanyang amo.

Iniuwi na si Princess at doon na lang sa bahay pinakain.

 

vuukle comment

BURGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with