^

Para Malibang

Multong Bahay (04)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANG gabing iyon, nasa isang bonggang party si Agyana. Suot ang mamahaling damit at sapatos na sinyaping noong umaga.

Bumili rin siya ng mga bagong alahas. Suot din.

Dahil talaga namang maganda, star of the night siya.

Ang mga babae ay  naiinggit sa kanya.

Mga lalake, nag-uunahan sa pagsayaw sa kanya.

Kapag nakasayaw na siya, ayaw na siyang bitiwan.

Nagkakainisan na.

“Pare, huwag mo namang solohin si Agyana. Alam mo bang officemate ko ‘yan, mas close kami niyan!”

“Pero mas enjoy siya sa akin. Hanggang hindi niya sinabi na ayaw na niya akong kasayaw, maghintay ka na lang. O kaya, mabuti pang umuwi ka na lang.”

“Gago ka, a!”

Suntukan na. May nag-join pang iba na naki­pagkumpitensya para kay Agyana mula pa noong nagsimula ang party.

“Ay, baka masaktan pa ako rito! O kaya, baka masira pa ang mga bago kong suot! Bahala kayo riyan magpatayan kayo! Lilipat na lang ako sa ibang bar, tiyak namang may lalapit sa akin na cute roon!”

Pero bago pa siya nakaalis, nagkabarilan na.

“EEEEEEEEE!”

“Diyos ko! Sa dibdib tinamaan ang escort ni Valerie! This is so sad and shocking! Ang saya ng party kanina, ngayon may patayan na!”

Kinilabutan si Agyana.

Sa lahat ng ayaw niya ay may patay. Kahit hindi pa siya ang dahilan, basta patay takot na siya.

“Ang gusto ko lang talaga ay life! Buhay! Ayokong isipin ang kamatayan na ‘yan! Ayokong aminin na isang araw pati ako mamamatay din! Oh, my! Life is so beautiful, ang saya-saya kanina tapos ngayon, may patay na riyan! Eh, baka magmumulto pa ‘yan sa bar na ito! Favorite ko pa naman!”

Galit na lumapit kay Agyana ang ka-date na babae ng namatay. “Ikaw ang pinag-awayan nila! At gusto mo naman ‘yon. You didn’t try to stop them from competing for you ... now my date is dead! He was my ideal man and I really like him!”

 “Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi ko naman sila inaakit. Tulad ninyo nakipagsayaw lang naman ako! And because I didn’t have a date kaya naglapitan sila!”

“Multuhin ka sana ni Chuck! Multuhin ka sana!” Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with