^

Para Malibang

Matandang Tinali (190)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAMA ang hula ni Bos-sing Joemari na si Dolfo ang naghudas kaya wala na sa tirahan ng mga ito sina Joy at Dong. Kaya pala hindi na sumipot sa takdang usapan ay dahil nakisimpatya na sa dalawang kalaban. At maaring pati ang shabu laboratory ay ikinanta na rin ni Dolfo.

Humanda ka Dolfo! Ikaw ang uunahin ko!

Pero ang problema ni Dragon, saan niya hahanapin si Dolfo. Maaring sumama na ito kay Joy at Dong. Maaa-ring nasa himpilan na ng PNP o PDEA at nirereport ang mga nalaman kay Dolfo.

Ngitngit na ngitngit si Dragon. Paano niya maili-ligpit si Dolfo? Hindi naman siya maaaring bumalik sa hideout nila dahil siya ang papatayin ni Bossing Joemari. Kilala niya si Bossing. Kapag sinabing papatayin ang nagkasala o hindi sumunod sa utos niya, gagawin talaga. Malupit kung pumatay si Bossing lalo na kapag naka-shabu. Wala na sa katinuan kapag nakabatak ng bushab.

Litung-lito si Dragon. Makaraang lumabas sa kubo ni Dong ay hindi niya alam kung saan pupunta.

Lakad siya nang lakad. Bahala na.

Nang makalabas sa MATANDANG TINALI FARM ay dineretso ang landas ng tao na nakita niya. Susundan niya ang landas. Maaaring ang hantungan niya ay mga kabahayan.

Nagpatuloy siya sa pag­lalakad. Kailangang may malaman siya ukol kay Dolfo.

Hanggang sa makita niya ang isang kubo sa di-kalayuan. Napangiti si Dragon.

Lingid sa kaalaman ni Dragon, ang kubong iyon ay pag-aari ni Manong Nal­do. At nang mga sandaling iyon ay naroon si Dolfo. Si Dolfo at Manong Naldo ay magpinsan. Sa kubo muna ni Manong Naldo tumuloy si Dolfo.

Dahan-dahan si Dragon sa paglapit sa kubo.

Nakiramdam muna siya bago sumilip sa maliit na butas sa dingding.

At halos mapalundag siya sa katuwaan sapagkat naroon si Dolfo.

Aha, narito pala ang Hudas! Tapos ka na Dolfo!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with