Hidden Charges
Isang paraan ng pagiging wise na consumer ay ikumpara ang business ng service na iyong ginagamit.
Mag-effort na tawagan ang iba’t ibang provider o contractors na makipag-usap at magtanong sa gustong malaman.
Kaysa ibase ang iyong desisyon sa advertisement na napapanood o nakikita sa news feed sa social media.
Piliin ang provider base sa personal na rekomendasyon ayon sa phone conversation o kaibigan kung totoong kumbinsido ang kanilang suhestison sa produkto.
Mag-check din ng resibo o invoice hindi yung basta itinatapon na lang.
Siguraduhin ang presyo ay ayon sa advertise price.
Kadalasan ay maraming hidden charges kaya lumaki ang binayaran. Lalo na sa mga hospital bills.
Tanungin ang detalye o services na ginawa sa pasyente kahit pa sabihing medical o credit cards ang ginamit na pambayad sa ospital.
- Latest