^

Para Malibang

Pagbubungkal at pag-ani ng halaman

Pang-masa

Magandang tingnan ang garden na mukhang malinis. Upang mapanatiling malusog ang halaman ay talagang inaalagaan na tinatanggalan ng mga damo sa paligid. Dinidiligan tuwing umaga at hapon. Pero katamtaman lamang ang tubig dahil baka malunod ang halaman. Pinaglalaanan pa ng oras lalo na tuwing Sabado na uulitin pa sa Linggo ng umaga at paulit-ulit na proseso nang mahabang panahon. Kulang ang isang linggo na kapag napabayaan ay tutubuan na ang paligid nito ng damo.

Ang trabaho ng magulang ay katulad ng pag-aalaga rin ng halaman sa hardin. Akala mo na na-master na ang isang area, paggising isang umaga ay bagong isyu na naman ang kakaharapin. Madaling makalimutan na ang pagiging magulang ay proseso. Mahabang-mahabang proseso.

Parang kailan lang na nakahiga sa kama sa gabi na naiisip ang mga maliliit na tagumpay. Pinag-iisipan na lahat ay secure at tama sa inyong mundo. Pero mabilis ang panahon na bawat stages ng anak ay mayroong isyu. Mula noong mga baby pa sila hanggang maging toddler, at mag-aaral. Hindi na maligpit ang higaan, daming homework, at hirap na tawagin kapag kakain na. Ngayon ay adolescent issues naman ang inaalala. Nandiyan ang naguguluhan nilang emosyon, galit, mood, mga salitang natutunan nila sa school at labas ng bahay.

Tandaan, ang pagbi-build ng character ng anak ang pinakamahalagang goal ng magulang. Kinakailangan ng oras at paulit-ulit na effort, parang lupa sa halaman na kailangan bungkalin muli. Upang maituwid ang masamang behavior at nang hindi maging habit ng anak.

Huwag sumuko o panghinaan ang loob. Mahaba pa ang labanan na madalas ay walang pahinga. Pero siguradong ang paglilinis ng mga ligaw na damo sa buhay ng mga anak ay magreresulta rin ng maganda balang araw.

vuukle comment

GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with